Thanks sa pagwelcome tsikoteers! Tama nga lahat kayo mga sir... be a responsible driver at all times and consider the safety of other people and motorist around you. I am in the process of learning to be responsible... mahirap nga naman when caught in an accident or whatsoever. Hwag naman sana... minsan kase sumosobra lakas ng loob ko sa pagdri-drive without thinking the consequences it might bring to me and the people around me! Hinay-hinay na ako magdri-drive. Sarap lang kase minsan ng pakiramdam kapag kampante at kabisado mo na auto mo. Para bang kaya mo lusutan lahat sa daan. Mali talaga ako... safety first talaga dapat!
Actually dami ko talaga experience dyan sa C5 hindi naman lahat ako nagpro-provoke. Meron din... sila yung firestarter kaya ako naman yung naeengage sa habulan. One time tatlo kami... isang mazda 3, corolla gli tska ako. Hindi namin ininda yung dalawang 16 wheeler na nilusutan namin. Kung nagkataon pala na nasa panig ko ang kamalasan. Sigurado wala na akong lusot! Pero meron naman mga tao na concerned at mapagpayo! Kaya tama nga naman... mas mabuting magbago ng pamamaraan kaysa sa tuluyang mauwi pa sa disgrasya! Thanks mga tsikoteers and you brighten up my mind! Saludo ako sa inyo!
