mga peeps tulong naman. nagdadalawang-isip ako kung mag-aaral ulit ako e. graduate ako ng Comp. Science sa Mapua nung October 2004, wala pa rin akong work ngayon. hehehe. tamad ko kasi maghanap. hehe.
parang gusto kong mag Architecture. kasi may family business kami. maliit na construction. e kaso walang magpapatuloy nung business pag tagal kaya parang gusto kong mag archi saka un din pangarap ko nung bata ako. nahilig lang ako sa html nung 4th year HS kaya ako nag compsci. hehe. bukas magtatanong ako sa mapua kung ilang units na lang ako kung mag aarchi ako.
problema ko hindi ako marunong mag drawing. pero sabi ng lolo ko hindi naman daw kelangan magaling mag drawing kasi puro tools naman gamit mo sa pag drawing. saka alam ko mataas grade ko sa mga Livelihood Education drawing namin nung HS. hehehe. ung mga isometric view saka scaling. ung mga ganon. hehe. kasi nga puro naman ruler saka triangle gamit. pero pag nag freehand na, e olats na ko don.
ituloy ko kaya ung archi o mag focus na lang ako sa comp sci.....