
Originally Posted by
benchman
eto pa, may isang catholic chapel na nakatayo sa ibabaw ng rocky hill sa rizal. private individual at selected pilgrims yung nagpagawa at nagpapatakbo nung chapel. bata pa ako noon pero mukhang may kalumaan na yung chapel, maybe it was built during the post war. mga 15 years ago na siguro ang nakalipas nagulat na lang at nakita ng mga pilgrims na may G.I sheets na bakod yung buong perimeter ng chapel, under renovation daw. walang ibang pwedeng makapasok maliban doon sa nagpagawa nung chapel sa loob ng compound.
ayon sa mga nakatatanda, garrison daw ng hapon ang dating nakatayo doon sa tuktok ng hill na iyon kaya kumalat ang tsismis na posibleng treasure hunting ang pakay nung may-ari.
lumipas ang kung ilan taon hanggang sa binaklas na ang bakod na yero, nawala na yung chapel pero obvious na nagkaroon ng massive diggings at naging ground zero. ngayon gumawa na lang ng isang maliit na makeshift altar para dun sa mga imahe na dating nakalagay sa chapel. masamang-masama ang loob nung mga pilgrims, anong nangyare? nasaan na yung chapel natin?
ang tanong: kung nag-treasure hunting nga, may nakuha ba? wala! ni hindi na nga naayos ulit yung chapel hanggang ngayon. sounds like another victim ng gusi-gusi gang ito.
hanggang sa nagka-watak-watak na yung samahan nung mga pilgrims doon. active ang lola ko sa pagsimba doon sa chapel na iyon nung kasalukuyan nabubuhay pa sya, pero hindi na nya inabot yung "renovation" na iyon.