living with parents/in-laws
rented house
own house
others
flagg, me & kumanders always wanted that kind of house... hehehe... clean, simple and with big windows (plus mas mura ang pintura kasi puro flat white lang :evillaugh)
Ah... Anyways, sakit ng style na yan yung mga "luha" after rainy season. You'll notice mga stains on the walls caused by our polluted rains running downwards. Mukhang mga vertical lines, kitang-kita sa white surface.
Dapat maganda ang design ng gutter kasi walang media agua yung geometric style.
![]()
mahirap talaga ang nakasukob sa magulang pag kasal na, kawawa ang isa sa inyo dahil need nya makisama ng husto. kaya kami ni misis hanap muna kami apartment bago kami kinasal, so nung nagsabi kami na papakasal na kami sa juez bago ang kasal sa simbahan e nakabili na kami ng appliances at syempre ang bed namin
after 4 years of renting (3 different apartments, every year lumilipat kami at lumalaki ang family) nakabili na din kami last january this year, newly renovated na house, 3 bedrooms, 2 t/b, 1 guest rm and 1 maids rm. yun lang nga, dahil sobrang excited kami bumili e di namin natanong ng husto yung place. ang lintek, e binabaha pala. pero naremedyohan ko na, di na pinapasok ng baha ang bakuran namin. ang maganda lang sa bahay na nabili namin, e lahat ng neighbors namin sinasabi na swerte daw yun. lahat daw ng bumili at tumira dun sa bahay namin yumaman ng husto. well di ako naniniwala nung una, pero since lumipat kami dun e parang ang dali dumating ng pera at dali din mag-save. sabi nga ni misis, kahit daw binabaha dun wag na namin ipagbili at swerte nga.
3 weeks ago meron lumapit sa akin na kapitbahay, meron daw taga duon din na gusto bumili ng bahay namin. nahihiya lang daw na diretso magsabi sa akin pero ang sabi daw e "name your price" hehehe! anyway, negosyanteng tsinoy yung gustong bumili. ganda daw kase feng shui ng place. e di lalo nang ayaw ipagbili ni misis hehehe! magpapayaman daw muna kami ng husto at sasagarin namin ang swerte ng house, then bibili kami ng lot and then etc etc...... pero di pa din daw ipagbibili, papa-rent lang hehehe!
7 years to pay nga pala, 10.5% interest, 75k/month ang amortization. ayaw kasi namin ng masyadong mahaba ang loan, mahirap ang merong utang.
Last edited by yebo; October 12th, 2007 at 12:46 AM.
[QUOTE=swordsman;929397]what the heck! you guys are in good company!
hmmm, my wife's office is currently not good in terms of management. but they surely pays good and gives good bonuses :D
i work for the government (a state U) :D
iba talaga ang feeling pag may sarili ka ng bahay.dahil ikaw na yong pinaka hari don at reyna naman si wify.
sa mga nirerentahan naman, ang hirap din gumalaw like gusto mo ng improvement sa bahay nagdadalawang isip kapa dahil di naman sayo yong bahay.
Wow! Parang wala sa Bulacan itong bahay na ito. I like it. Swerte mo naman. Mukhang napakatahimik sa lugar na ito. Kahit malayo ang work mo dito sarap umuwi. Gusto ko itong design ng bahay ba ito kasi parang pwede lahat ng kulay na mauso and I love big windows.
Nah. I disagree.
Although a bulk of your income will be slashed by paying monthly amortizations. Nonetheless a house is still an asset because it is a sound investment. Because as time progresses the value of your lot will appreciate more than 100% from the value during the time you purchased your house.
BTW, may alam ba kayong website where you can design your own room? Select or choose color combinations sa paint ng wall? Pag google dami masyado
Last edited by usokpower; October 14th, 2007 at 04:05 PM.
Yes. tama ka diyan sa kahirapan ng buhay ngayon iilan lang talaga ang may sariling bahay. Unlike nung time ng parents natin even a rank and file employee could afford to buy a residential unit. Ngayon kahit manager hirap din or to some extent VPs. Kaya marami umaalis.
But if you look at the flipside of our current situation. May advantage din naman. Think about it ang interest rate noon is around 30% ngayon between 8-15%. The question is how will you improve your credentials to get a loan. Yung legal way ha.
No house of my own yet. I really look up to those people who manage to buy their own house/condo before 30. Yung hindi mana or bigay ng parents.
wala pa bahay pero meron na lote (200sq mts) sa Baguio
nag iipon pa para kahit papaano malagyan na ng poste
balak rin kumuha along laguna.. pero di pa siguro ngayon
Yung katabi kong property nabili ko na rin at may bahay na. Masarap yung feeling na may sarili ka nang bahay, secured ang place at well maintained ng developer.
Kung di pa ako nag-OFW, di siguro ako magkakabahay ng sarili. Kung dyan lang ako sa Pinas, walang mangyayari, di ko maipupundar ang lahat na ito........![]()
When we (my wife and I) got married a few years ago, we agreed that we will not live with my/her parents' place. ang hirap nun
Since she lives in an apartment when she was still single, and i live anywhere(depends on the day of the week), we decided to live in her apartment for a week and transferred to another place (rented).
We rented 3 houses in 4 years before we moved to our current home (condo) two years ago, our very own.
Planning to put the dream house on our vacant lot somewhere in the vicinity in he next few years.![]()
isa ko property, ibenenta ko para sa libing ng nanay ko....
aanhin ko yun, kung di naman mabigyan ng disenteng burol at libing Nanay ko?
ang hirap nito, wala naman ibang tutulong,kundi kapamilya lang...
No regrets at all...
miss you mom!!!