New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Matagumpay na nakapangholdap ang mag-asawa sa isang taxi driver nang isama ng mga ito ang limang anyos nilang anak na sumakay sa taxi.
    Luhaan namang dumulog sa Quezon City Police District-station 2 ang biktimang si Rodolfo Pasyon, nasa hustong gulang, may-asawa, upang idulog ang sinapit nito sa kamay ng ‘di nakilalang mag-anak.

    Sa imbestigayon ng pulisya, ala-una ng madaling-araw nang maganap ang panghoholdap sa Bgy. San Antonio ng nasabing lungsod.

    Sa pahayag ng biktima, sumakay ang magpamilya sa minamaneho nitong KNQ taxi na may plakang TWS-751 sa 10th Ave., Caloocan City at nagpahatid sa Project 7, QC.

    Sinasabing pagsapit sa isang madilim na lugar sa Del Pilar St., San Francisco del Monte, Bgy. San Antonio ay agad na tinutukan ng baril ng lalaki na nakaupo sa unahan ang driver habang patalim naman ang itinutok ng babaeng pasahero na nasa likod kasama ang paslit at nagdeklara ng holdap.

    Dito ay sapilitang kinuha ng mga suspek ang maghapong kita ng biktima na umaabot sa P2,500 bago pinababa ang una sa sasakyan nito at mabilis na tumakas sa ‘di nabatid na direksyon

  2. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    245
    #2
    yan ang epekto ng kahirapan

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #3
    I'm guessing the kid served as a prop since their modus operandi is to pose as a harmless family. Convenient din, since the kid can also serve as a human shield in case they encounter cops.

    Child endangerment/exploitation, on top of the robbery charge.

  4. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    190
    #4
    kawawa naman, whatever happened to Philippines? I would not be surprised if that 5-years old will grow to be a holdupper. Shame on those parents for that kind of training they give to the child, nakita nung bata yun mga pinagagawa nila! tsk tsk

    parang sila lang naman ang naghihirap. kainis talaga yang mga yan!

  5. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,563
    #5
    walang kwenta mga magulang na yan. idinamay pa nila ang bata. kawawa naman yung bata. sana hindi lumaki na magiging katulad ang parents nya.

  6. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    636
    #6
    pati batang paslit, ginagamit sa pagnanakaw...tsk tsk tsk...

    ayaw magbanat ng buto. karmahin sana ang mga lintek na mga magnanakaw na to...

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #7
    lagi may tao doon sa area na iyan mga tricycle driver nga diyan ay 24 hours ang biyahe pero lakas loob pa din nag nakaw ang mag asawa..

    wawa naman ang taxi driver ,
    maghapon pinagpaguran nawala lang ng parang bula .
    sabagay masakit man tanggapin mabuti na iyon pera lang
    kaysa naman pinatay pa sia

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #8
    maybe it was "Take Your Child to Work" day.

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    109
    #9
    grabe, for whatever reasons na nagawa ng magasawa yung panghoholdap eh di yun makakabuti sa kanila,kahirapan,kawalan ng trabaho etc..

    "the end doesnt justify the means" and one thing more is "sa mata ng bata,tama ang ginagawa ng matatanda".. no wonder na di magtagal eh holdaper na rin yung bata.

    to all tsikoteers,drivers,passengers,everyone concerned,inagt na lang tayo lagi,magpapasko na,cigurado dadami pa cases tulad nito.

  10. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #10
    Baka nagtanong yung kid ng, "Itay, kailangan ko ng contribution sa Xmas Party... "

    "Anak, madali lang yan..."

Page 1 of 2 12 LastLast
5-anyos Isinama Ng Magulang Sa Panghoholdap