Bakit ba sinasabi na "nang-indian" ka pag nde ka sumipot sa isang meeting event?
Ano meron sa word na indian? May idea kayo?
'Just thinking out loud
Bakit ba sinasabi na "nang-indian" ka pag nde ka sumipot sa isang meeting event?
Ano meron sa word na indian? May idea kayo?
'Just thinking out loud
Baka dahil indianero ang mga indian. hehe.
Seriously...hindi ko din alam. Basta sinasabi ko sa mga indianero kong kaibigan wag magdadala ng pana. hehe.
pag may nang "indian" naman sa amin e..inulan na naman kami ng pana noong araw na yun![]()
eto theory ko lang ha:
maybe it was derived from the (north american yata) term "indian giver" which means someone who gives and takes back.
a little bit ironic, because the term was coined by the european settlers in north america to describe the native americans...the same settlers who took the lands that belonged to the "indians"
Parang dumami na talaga mga ganyan uso na salita.Pero mas naalala ko pa din ang word na malmo.hehe.![]()
Ewan ko kung saan galing yung word na yun.Bata pa ako alam ko na yung word na yun eh.
puwedeng ganito,
ang indian may pana, tapos yung pana nakakayari yan..
ngayon pag di ka sumipot sa isang meeting event, na yari mo sila![]()
samakatuwid...
na indian mo sila o isa kang indianero![]()
dati kasi ang mga red indians tinutugis ng mga whites, tinataboy, kaya sila tago ng tago di nagpapakita, kaya ayon ang term na-indian ka pag d ka sinipot ng kausap mo.
di iyong indian na 5-6 ha,, hehehe araw-araw sumusulpot yon
i think it's more on indian na 5-6.kasi nung araw na hindi pa gaano in demand ang utang na 5-6 late sila kung maningil,minsan hindi pa sumisipot kaya nang-indian.ngayon mabilis pa sa alas kuwatro nandyan na.
speaking of alas kuwatro, saan naman nakuha yung salita na iyon?
Hmmm.Mukhang may point yung sagot ni srbogoy.
Yung sa alas kuwatro (Mabilis pa sa alas-kuwatro), baka dahil pag nag pupuyat ka or busy ka sa isang gawain na inaabot ng umaga, nde mo na mapapansin yung oras na napakabilis na at alas-kuwatro na ng umaga. IMHO lang.
"mabilis pa sa alas kuwatro" noong araw ang parola sa coast guard sumesirena tuwing alas kuwatro ng hapon,, panahon yun noong guerilya pa si magellan, alas kuwatro ang prangko ng trabaho.
kaya kung mabilis ka at na-uuna sa lahat ng bagay,, tawag don mabilis pa sa alas kuwatro..term na ginagamit ng mga noypits
afaik, the early European settlers bought the land the Native Americans were living on. The Native Americans/Indians never really did have a concept of land ownership, so when the whites started settling in, they fought back.
dunno how the indianero slang caught on here though. ironically, we are in a way "Indians", so sinuslur natin ung kapwa pinoy.
pls dont generalize all indians un lng po....
Alam ko pag ng indian ka di ka sumipot tas pag late ka Filipino time..
Ooooopppppsssss! Remember na may mga Tsikoteers na from Indian origins (Fil-Indians).
Medyo easy lang sa mga posts niyo. Baka "magka-sakitan" at kung saan na mapunta ang topic. Paalala lang po.
Last edited by chua_riwap; April 8th, 2007 at 03:54 PM.
malamang galing sa " indi yan sisipot sa usapan".. tapos pinaikli ginawang "indi yan" tapos naging "indian".. he he he...![]()
afaik red indians never come to the agreed date for talks with whites. they will come to attack in ambush style..