
Originally Posted by
Manilablock
Sir ung ratio ng cement to sand ay naglalaro sa 1 bag cement = 5 bags of sand (or 6 bags kung maganda quality ng buhangin).
Ung bag po ang simple measurement sa construction, 1 bag = 1 cu.ft. = 0.028 cu.meter
Hindi din po kasi maganda ung konti ang sand kasi po mainit ang cement during curing and may lead to cracking ng surface.
ung thickness po ng plaster ang mag determine kung ilan po ang magagamit nyo na cement at sand. kung pantay po ang pag asintada ng hollow blocks mga 15mm or 0.015m pwede na.
kaya sa 8m x 10m x 0.015m = 1.2 cu.m
1.2cu.m = 42.37cu.ft ito po ung magagamit mong plastering material. (43 bags of sand)
say 45 bags of sand ang gamitin mo, better na ung sobra kesa kulangin ka
45 sand / 5 = 9 bags of cement
pa check mo din sa mason na gagawa pero ung material na gagamitin mo hindi naman nalalayo sa estimate na yan.
saka kung wala kang sementadong lugar kung saan ka pwede mag halo, add ka ng 2 bag ng cement kasi un waste mo pag sa top soil ka naghalo.