PILIPINO 101:
Ni: Propesor Juan Galleon ng Tundo

20 rason para malaman mo na ikaw ay pilipino:

1. Ang paborito mong almusal ay kape at pandesal, at para makumpleto ang ekspiryens eh isinasawsaw mo ang pandesal sa kape hanggang sa hindi na ito magmukhang tinapay tsaka mo siya kakainin ng buong giting.

2. Ang lasa ng ispageti mong kinakain ay matamis imbes na maasim(malamang dahil sa sangkatutak na UFC banana ketchup para magmukhang marami kahit kalahating kilong giniling na baboy at isang pirasong hotdog lang ang sahog), bago mo ito kainin ay hinahalo mo muna ang "sauce" hanggang sa magpantay-pantay ang kulay nito.

3. Kapag nakasakay ka ng dyip at malapit ka ng bumaba eto ang mga sinasabi moat ginagawa para maihinto ang sasakyan:

-sisigaw ka ng "Mama, para sa tabi!"
-sisitsitan mo ang driver "pssssstttttttt!!!!"
-ipopormang pabilog ang bibig at gagawa ka ng tunog na parang tumatawag ng aso.
-kakatukin mo ang bubong ng dyip.

4. Hindi ka nasusuya sa amoy ng bagoong at patis.

5. Kapag naiihi ka at gusto mong magbanyo ang tanong mo eh "saan ang C.R. dito?"

6. "Manong" ang tawag mo sa sekyu ng kumpanyang/eskwelahang pinagtatrabahuhan/pinapasukan mo.

7. Sa states ang slang nila sa pulis ay "Pig", ang sa iyo naman eh "Buwaya".

8. Mahilig kang manood ng mga soap opera na alam mo na kung ano ang mangyayari sa ending.

9. Sa kalye, kapag may sumutsot eh napapalingon ka.

10. Mas malakas kang mag-text kesa tumawag sa cellphone mo.

11. Nagpaparamdam ka sa pamamagitan ng missed call(wala ng drop call ngayon may bayad na eh!).

12. Ang tingin mo sa tinapay eh pang-meryenda at pang-almusal lang.

13. Natatawa ka kapag may nakita kang nauumpog, nadadapa, nadudulas at sumesemplang sa harapan mo.

14. May mga kapitbahay kang chismosa na daig pa ang SAS, CIA, FBI at KGB sa pagkalap ng impormasyong tungkol sa buhay ng may buhay(pano kaya nila nagagawa yun?may comsat station kaya sila?, marunong kaya silang mag-tap at mag-intercept ng telepono?) .

15. Dalawa lang ang channel sa telebisyon para sa iyo Channel 2 at 7(Kapuso ka ba o Kapamilya sagooooooottttt!!!!!!).

16. Kuryente ang unang pumapasok sa utak mo kapag narinig mo ang salitang "jumper".

17. May kuleksyon ka ng gamit na prepaid cards sa wallet mo.(prepaid cellphone card, prepaid internet card, prepaid na memorial plan, at kung anu-ano pang klaseng prepaid.)

18. May kuleksyon kayo ng mga imported(at expired) na de lata sa kusina niyo, na punum-puno na ng alikabok dahil ayaw ipakain ng nanay mo sa inyo(for display purposes only?).

19. Ang nanay mo ay mahilig magsuot ng mga bulaklaking mga damit(meron syang isang dosena nito) na kung tawagin ay "daster".

20. Ang tingin mo sa lahat ng bumbay ay nagpapautang ng payb-siks(madalas ng mga pangalan nila eh Johnny, George at Charlie na nakasakay sa motor.).