New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 16 of 16
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #1
    Just want to share this:


    Sa Aking Pagtanda

    Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.

    Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

    Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

    Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

    Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

    Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

    Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

    At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

    Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

    At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

    -Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
    CWL Spiritual Director
    St. Augustine Parish
    Baliuag, Bulacan

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #2
    Thanks for sharing this....

    A good reminder to each and everyone....

    Bros/Sis,- when was the last time you talked to/with your parents (if they're still living); and to your kids?

    2001:weathermanf2:

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #3
    Quote Originally Posted by j_avonni View Post
    Just want to share this:


    Sa Aking Pagtanda

    Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.

    Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

    Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

    Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

    Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

    Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

    Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

    At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

    Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

    At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

    -Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
    CWL Spiritual Director
    St. Augustine Parish
    Baliuag, Bulacan
    Napakagandang katotohanan nito.

  4. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    4,488
    #4
    Nakaka touch naman We must show them that we love them, and appreciate the things they have done and sacrifice for us while they are still here

  5. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #5
    na-miss ko tuloy tatay ko! kaiyak naman....

  6. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #6
    Very nice....Very touching!

    Thanks j_avonni for sharing

  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    641
    #7
    Quote Originally Posted by skyglider View Post
    na-miss ko tuloy tatay ko! kaiyak naman....
    Ako rin. Honestly, napaiyak ako.

    Sinabi ko nga sa officemate ko na nag-email sa akin nito. Natawa. Ayaw maniwala.

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #8
    Very touching indeed. Halos lahat ng nakabasa nito ay naiyak at nalungkot.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #9
    hayyyy, pauwi na lang nalungkot pa ako

  10. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,420
    #10
    made me miss my mom

  11. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #11
    Naiyak pa ko pagkabasa ko.

    Balak ko ngang i-print then dalhin ko sa priest namin baka pwedeng maging sermon niya ngayong Sunday mass kesa naman puro politics ang topic pag nagmimisa sila.

  12. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #12

  13. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #13
    Sapol!.......Langya, na-antig ako roon ah.

  14. Join Date
    May 2005
    Posts
    473
    #14
    very nice taga baliuag ako, di ko yata kilala si Fr.Robles

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    330
    #15
    I should have read this long time ago. I lost my father few months back.......I was away ng mamatay siya. I never recalled saying I love him (siguro parang baduy o nakakahiya), but I wish I did.

  16. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    611
    #16
    TOUCH NAMAN AKO............... teka tawagan ko nanay ko to say mahal ko sya........

Sa Aking Pagtanda