Results 71 to 80 of 81
-
August 13th, 2005 10:33 AM #71
I don't think na "malalaki" ang players natin compared to the chinese and europeans, just average compared to them, what we need are skill players.
-
August 13th, 2005 04:26 PM #72
Originally Posted by ILuvDetailing
wala pa din sinabi mga malalaki natin kahit sa china lang ..eh di lalo na sa
europeans or americans ..marami sila na above 6'5"
pero nakakatakbo ng mabibilis at mga bata pa compare sa malalaki natin ..
madami din sila na shooter...
-
Tsikot Member Rank 5
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,144
August 13th, 2005 05:31 PM #73wish ko nga eh, mag shift na ng style ang mga pba teams,
kasi at present, pba teams are playing to the what the crowd wants! (or what the pba bosses insists)
the pba must educate the crowd that one-on-one brand of play will not bring us to international competition level...
-
August 21st, 2005 05:21 PM #74
RP team kakasa na sa Brunei cagefest
BRUNEI, Darussalam --- Ipagpapatuloy ng RP-San Miguel Beer ang pag-aaral sa paglarga ng 5th Shell Rimula Cup dito sa National Indoor Stadium.
Nasa ikatlong internasyonal na torneo sa dalawang buwan, umaasa ang Nationals ni coach Chot Reyes na mapakikinang nila rito ang sariling plays upang iangat ang antas ng performance sa six-team tourney na lalawig ng isang linggo.
"The expectation here is to continue learning the way we do things and continue to play with each other," ani Reyes na ang koponan ay makikipagtunggali sa Japan, China at South Korea.
"And finally continue to learn how to play the international game," dagdag niya.
Ayon kay Reyes, ang torneong ito sana ang huling tune-up tournament para sa FIBA-Asia Championship Cup sa Doha, Qatar sa susunod na buwan kung hindi nasuspendi ng FIBA ang bansa.
Kakatawan ng Indonesia at Malaysia ang Southeast Asian region sa torneong magsisilbing qualifier sa World Basketball Championship.
Kalahok din dito ang Alaska Milk at ang isang Pinoy selection na tatawaging Warriors at palalakasin nina Gilbert Malabanan, Genesis Sasuam at Ricky Ricafuente. Sila ang humalili sa umurong na Indonesian squad.
Sinabi ni Reyes na target nila ritong iuwi ang $20,000 top purse ngunit pangunahin nilang prayoridad ang pagtataas ng antas ng performance ng mga RP quintet.
Mabibinyagan dito sina Rafi Reavis, Jimmy Alapag at Nic Belasco na nabigong magsuot ng RP jersey sa Global Hoops Summit sa Las Vegas, Nevada at Jones Cup sa Taiwan.
Bubuo rin sa RP quintet sina Asi Taulava, Kerby Raymundo, Ren-Ren Ritualo, Dondon Hontiveros, Jayjay Helterbrand, Romel Adducul, Tony dela Cruz, Billy Mamaril at Kelly Williams.
Unang titipanin ng Nationals ang Toshiba ng Japan sa larong itinakda rin kahapon.
Nagtatanggol na kampeon dito ang SK Knights na patitigasin sa pagpasok ni Wesley Wilson, ang dating import ng Shell Turbo Chargers sa nakaraang PBA Fiesta Conference.
-
-
August 21st, 2005 06:05 PM #76
Originally Posted by BoEinG_747
Dre,
baka kailangan nila ng back-up o' reserve player eh try out tayo,baka tayo ang magpanalo,hi,hi.hi.
-
August 21st, 2005 06:18 PM #77
Originally Posted by ranod55
-
-
August 22nd, 2005 09:51 AM #79
sad to say olats ang RP Team laban sa Japanese team.
Di pa nakakauwi si D. Seigle form the US while Dorian Pena is nursing an injury.
-
August 22nd, 2005 03:49 PM #80
RP-San Miguel nanaig sa Chinese
BRUNEI Darus-salam--Bumangon mula sa nakakademoralisang kabiguan kontra sa Toshi-ba-Japan ang RP-San Miguel Beer at igupo ang Shangdon Jinsidun Lions ngChina, 97-64 para sa kanilang unang panalo dito sa 5th Shell Rimula Cup na ginaganap sa National Indoor Stadium.
Matapos yumuko sa kanilang unang asigna-tura laban sa mga Hapo-nes, 80-89, noong Biyer-nes ng gabi, buo ang atensiyon at determi-nasyon ang Nationals sa pagkumpleto sa kanilang trabaho para sa tagum-pay.
Ang panalo ay nag-bigay sa mga Pinoy na naririto ng kasiyahan upang tabunan ang kabi-guan ng dalawang Fili-pino team sa kani-kani-lang unang asignatura sa 4-nation, six-team tournament.
Muling binanderahan ni RenRen Ritualo ang RP-SMB team sa kan-yang kinanang 18 puntos na lahat ay mula sa arko at naging malaking san-data sa tagumpay ng Nationals.
Nauna rito, tumiklop ang Alaska Aces mula sa kanilang 17 puntos na bentahe at hatakin ng SK Knights ang isang come-from-behind 85-82 panalo.
Naitala naman ng Toshiba-Japan ang kani-lang ikalawang panalo makaraang hiyain ang Warriors, ang selection ng mga dating collegiate players nas nakabase dito sa ikalawang laro ng triple-header.
Are they on track to surpass last year's sales?
Car Sales Data (2025)