"First of all, hindi ako sure if may nag-post na ng ganitong topic. Pasensya na lang mga bro kung naulit ko. Anyway, i hope it'll be alright."

Hindi na tayo bago sa mga bastos sa kalye. Meron kasing mga taong natuto lang magmaneho ay akala mo hari na ng kalye. Hindi ko naman sinasabing "santo" ako, minsan ay nagmi-misfire din. Kaya sa thread na ito ay mag share tayo ng experiences natin with these road JeRkS and how you reacted on the situation.

I'll start with mine, last week lang. Nadaan ako sa Sampaloc area. Alam naman natin na masikip ang karamihan ng streets dun na pinaparadahan pa yung 1 side nito. May nakasalubong akong maroon Starex van (i decided to withhold the plate#), magkabilaang dulo kami. Mas malaki siya kaya I decided to let him pass first, which he gladly did. Midway, bigla itong huminto... sa tapat ng 1 bahay. Tapos, lumabas ang mga sakay nito at nagsimulang mag load ng mga gamit. Catering service yata sila. I sat patiently and clocked 2 minutes. After this time, nag flash na ako ng headlites ko to make them aware that someone needs to pass thru that road too. Nag flash din siya. Akala ko ay OK na. Another 2 minutes passed pero tuloy pa rin silang nakabara. Bumusina ako, discretely. Tapos sumigaw yung driver/owner na umikot na lang daw ako (which is another 2 blocks away). Sa mga oras na yun ay gusto kong . . .


ang mga ito! Pero naisip ko na ang asar ay talo... medical bills, lawyer fees, etc... So, iiling-iling na lang akong umatras at umikot sa adjacent street. Katakot-takot na mura ang pinawalan ko sa loob ng car. Siguro sa mga oras na yun e pwede akong i-hire ni Eminem na gawing lyricist nya.

Ang sa akin lang e siguro planado naman nila na magkakarga sila ng gamit. Bakit hindi na lang pinauna yung kasalubong. At saka pwede naman siyang mag park sa tabi which is not far from the house, kaunting lakad lang. But then again, hindi pare-pareho ang isip ng mga tao. Ika nga sa mga Arabo e Mafi Muk, Muk Hada!
Walang isip, kung meron man ay nasa talampakan!

So, blog away!!!