Maganda bang rugby ang i-apply sa swelas ng sapatos? Or pwede na rin ang mighty bond?
Medyo yung unstitched portion nung Hush Puppy & K-Swiss na sapatos ko ay natanggal kasi...
Maganda bang rugby ang i-apply sa swelas ng sapatos? Or pwede na rin ang mighty bond?
Medyo yung unstitched portion nung Hush Puppy & K-Swiss na sapatos ko ay natanggal kasi...
Pwede yung rugby. Huwag yung MB.
Last edited by FrankDrebin; April 7th, 2005 at 12:10 PM.
rugby na lang. kase experience ko pag mighty bond parang tumitigas yung part na nilagyan nung glue parang nagiging brittle at matatanggal den. pero kung temporary mighty bond mo muna.
rugby pero dapat pulido pagkalagay para hindi makalat sa swelas mo.. or try mo yung BULLDOG glue..
Meron sa Recto nagbebenta ng mga materials for shoe repair. Kung magawi ka dito puntahan mo, malapit lang sa Avenida nasa right side pag papuntang cubao.
Rugby na lang. Yung mga super glue kasi strong ang chemical compounds. Baka mag-cause ng "burn holes" 'dun sa materials ng shoes mo.
Apply even coats on both sides that would be stuck together. Let the glue cure for about 5-10 minutes, then slap the two faces together. Don't stick the two faces when the glue has just been applied, for this will cause your shoes to have a weak bond.
ahh... ganun pala...
paano kung hindi fully na natanggal yung swelas? parang partly lang naman natanggal?
Kung partly natatangal, ok na siguro ang super glue. Medyo messy kasi ang rugby kung very minimal lang ang gagawing repairs. Pero ako, kung small parts lang ang dinidikitan, rugby pa rin gamit ko. I just apply it using cotton buds. Tapos, kung may mga visible residue sa gilid, I just wipe them off with hot water before it dries.
bro, pa dikit mo na lang yan sa mr. quickie. para mas pulido ang pagkakagawa. di pa madudumihan kamay mo.
mahal kasi... :DOriginally Posted by happy_gilmore
pati ok lang naman ang rugby... madali tanggalin...
ang ayoko eh vulca-seal... hirap tanggalin sa kamay...
rugby dpat kasi flexible, MB n bulldog glue tumitigas nagccrack pagtagal.
rugby muna, pero wag agad idikit, apply muna then hintay ka mga ilan minutes bago matuyo saka mo idikit...BOOM!
then kapag natuyo na ng lubusan saka mo patahi...
pwede din yung PVC Solvent. nakita ko kasi naglagay yung tubero ko sa shoes niya.
if you want it fixed sa quickie, papabilhin ka nila ng Mighty Bond. The repair guy told me na they mix it with rugby para mas matibay. Tapos meron sila machine na panglapat dun sa suwelas na me pandikit hanggang matuyo siya.
pards, dala mo sa quickie yan, patahi mo. ganun ginawa ko sa clarks na toga ko, natanggal yung part na di nakatahi. pinatahi ko hanggang ngayon pudpod na di pa din natanggal. ginawa nila inukit yung part na lalagyan ng tahi so hindi mapupudpod yung sinulid. 60petot lang singil sa akin nuon.