New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 24

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #1
    ang lapit na!!! san kayo nagpapasko at nagbabagong taon?

    ang pamilya ko, sa relative muna ni misis bago sumapit ang noche buena...pagdating ng madaling araw ng 25th lilipat naman kami sa relative ko... sayang kasi ang pamaskong cash he he...may isa kasing "santa klaws" sa relative namin na tuwing 25th ng madaling araw lang namimigay ng pera...kahit kaming matatanda eh pumipila pa rin nyuk nyuk nyuk...pag wala ka sa oras na iyon sorry ka na lang he he

    pag bagong taon sa bahay lang kami, binubuksan ang lahat ng pinto at bintana para daw pumasok ang suwerte (pati na rin usok ng pulbura )...wag naman sana akyat bahay ang pumasok

    Good Health, Merry Christmas at Happy New Year sa inyong lahat!!!

  2. #2
    mga sirs,

    nga malapit na pasko..tapos nun tatanda naman ako

    pasko dito sa magulang ko..

    new year kami sa in-laws ko..

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,352
    #3
    sa bahay namin pumupunta buong angkan namin

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #4
    usually pag xmas sa bulacan kami nagcecelebrate.. uwi ako ng 24th umaga....

    this will be my 1st xmas na ispend ko with my sweetiw.. hehehe excited na nga eh....


    new year usually dito kami sa manila lahat... sa bocaue kami bumibili ng mga fireworks para mura.. hehehe


    merry xmas in advance and a happy new year na rin!!!>... heheheh :D

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #5
    pasko sa bahay lang kami. dami kasing inaanak na pumupunta sa bahay.

    pag new year naman dun kami palagi sa in-laws ko from dec 31 hanggang media-noche. early morning ng jan 1 balik kami sa bahay.

  6. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,420
    #6
    kami sa bahay rin sa alabang nag nonoche buena....every dec. 25 naman may reunion buong pamilya namin sa side ng tatay ko and every jan 1 reunion naman sa side ng nanay ko.

    merry xmas and a healthy and happy new year to everyone!

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #7
    lumuluwas galing probinsya mga relatives (mother side) namin... magulo ang bahay pero masaya...lalo na yung isang pinsan ko na halos lahat kinakain..bilog na bilog. :D

    bagong taon naman sa bahay lang...di na kami nagpapaputok, nakikinuod na lang kami sa kapitbahay...bukas lahat ng pinto at bintana at pati mga ilaw.

    para pasok su-we-teh.

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    273
    #8
    spending xmas with my in-laws sa bahay nila (cebu).

    sa new year naman, i go home to cagaya de oro, but wife will be staying here in cebu lang (binata ako ngayong new year hehehehe)!!!

  9. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #9
    sa christmas and new year sa bahay lang namin. Ewan lang kung makakabili ng pa-ilaw kasi takot kami maputukan.

  10. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,973
    #10
    dati we celebrate with our relatives..but now hindi na..nagkanya-kanya na kasi kami eh.. anyway, pag 24th of december..usually hear mass ng 8pm then uwi ng bahay kain..then on the 25th..punta sa mga relatives na..ganun din pag jan. 1.

  11. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #11
    pasko sa trabaho
    bagong taon sa pinas with my wife and kids sa bahay ng inlaws at parents. kapitbahay lang sila

  12. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #12
    magkahiwalay mom and dad ko eh... so...
    dec 24 sa mommy, dec 25 sa daddy...
    dec 31 party... jan 1 morning mom... lunch dad... gabi mom ulit...

  13. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    148
    #13
    Sa bahay ng parents ko, bantay salakay ako sa pagkain

  14. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #14
    ako kasi depende kung nasa pinas ako..pag sa bahay ako 24th noche buena among us na mag-anak..next day 25th kung sipagin lang b-day ng sister ko doon na nagpapangita mga clans all the way from japan na mga pamangkin pag makalusot..so dukot dinko crispy 10 peso bills abot ditot doon..

    new year's eve back to home ulit torotot & sparklers sa walis tingting + enable car alarm dagdag ingay din..hehrehrhehreher..

    merry xmas & prosperous new year mga kakosa sa tsikot.com..

  15. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    387
    #15
    pasko at bagong taon sa trabaho....in da midel op da osyan.... past 5 years na.

    only once in the past 5 was I home for the holidays...(boohooo)

    sana sa 2005...nasa Pinas ako!

  16. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    24
    #16
    I think we will be spending Christmas this year at Baguio.

  17. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #17
    Aahh..kakalungkot un..in da midel op de osyan.


    Kami di ko pa alam..kung dito sa Manila or sa Pampanga. Nasa ICU na naman si lola eh.

  18. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    29
    #18
    ako sa offshore rig christmass & new year!

  19. Join Date
    May 2004
    Posts
    105
    #19
    I'll be spending my christmas here at home kailangan mag-tipid ngayon, dami na-gastos recently eh.

  20. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    96
    #20
    house lang kami. this is the only time na makapag relax ng matagal. and of course para makatipid. dami pa kasi ako plan for my car

Page 1 of 2 12 LastLast
san kayo nagpa Pasko at Bagong Taon?