New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 24

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    147
    #1
    hello

    natanong ko na yata ito pero hindi ko na makita yung thread eh.

    yung pickup ko binili ko as 2nd hand. tapos yung deed of sale ay open. Hindi ko pa siya mailipat sa pangalan ko kasi dami ng requirements.

    yung original na mga documents iniiwan ko sa bahay pero open pa din deed of sale.

    meron ako xerox ng mga document sa sasakyan.

    ang question ko ay...in case na mahuli ako ok lang ba na open pa din yung
    naka indicate sa mga xerox documents ko? paano ba dapat gawin dito?

    salamat
    ,Fernan

  2. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #2
    Anong naka indicate sa xerox mo?

    Kung medyo loko yung may ari pwede nyang sabihing carnap yan.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #3
    mabuti pa ilagay mo na sa pangalan mo agad.

  4. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    147
    #4
    Sa xerox meron namang naka indicate na binenta sa akin yung car. At completo naman ng mga pirma.

    Baiskee
    yup malapit ko na rin ma complete yung mga requirements, isang leave na lang siguro sa work para macompleto. Hirap lang kasi mag-leave ngayon dami
    ginagawa. Kaya nag tanong ako just incase.

  5. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #5
    Pano naka-indicate? Parang resibo? Tapos photocopy? Labo yan bro, unless you have the original OR and CR somewhere.

    Actually wala namang kaso yan wag ka lang ma-involve sa aksidente. We've had several cars that were still in the previous owners' names, kaso kasi ibinebenta rin after a while.

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    2,244
    #6
    May Deed of sale kaba na pirmado ng former owner?Do you also have Original copy of the O.R. and the C.R.?If you have that no problem ka na.I hope orig yong prima not xerox.You also need a photo copy of ID of the previous owner. Plus the cash i dont see any problem kayang kaya mo i-transfer sa name mo yong ownership.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,794
    #7
    yep...pirma lang ng previous owner sa mga deed of sale na open ok ka na.

  8. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    147
    #8
    yup.

    nasa akin yung orginal CR at OR.

    meron din ako dalawang copy ng open deed of sale na merong pirma ng original owner hindi siya xerox. Meron din akong dalawang xerox ng ID ng
    original owner.

    Ang concern ko lang... habang inaayos ko pa ang papers para ma transfer. Ano ba ang dapat kong dalang documents sa sasakyan.

    Ok na ba yung xerox ng CR at OR?

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    2,244
    #9
    Ganito gawin mo, Ipa-Notarized mo na yong deed of sale sabihin mo sa Notary public wag lagyan ng date para walang experation. Maglagay ka ng isang copy sa kotse mo together w/ Photo copy of OR/CR and ID of the former owner.
    Ok na yan pag nasita ka may mapapakita ka na proof na nabili mo na yong kotse na minamaneho mo.

  10. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    34
    #10
    for your own protection i suggest na pa-notarize mo na under your name tutal balak mo din naman i-transfer. at least kahit magloko ang previous owner meron kang supporting documents to prove na binili mo sya in a legal way. yun binilhan mo ba siya ang naka pangalan sa mga documents? kasi ang madalas gumagamit ng open deed ay yun mga nagba buy & sell, bumibili sila ng sasakyan then hindi na nila tina-transfer sa pangalan nila para iwas gastos

  11. Join Date
    May 2005
    Posts
    2,244
    #11
    79gemini, Tama iwas gastos at iwas kulong kung gamitin mo sa kalokohan, ang hahabulin ng pulis yong previous registered owner.

  12. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    605
    #12
    Quote Originally Posted by prysm_1 View Post
    hello

    natanong ko na yata ito pero hindi ko na makita yung thread eh.

    yung pickup ko binili ko as 2nd hand. tapos yung deed of sale ay open. Hindi ko pa siya mailipat sa pangalan ko kasi dami ng requirements.

    yung original na mga documents iniiwan ko sa bahay pero open pa din deed of sale.

    meron ako xerox ng mga document sa sasakyan.

    ang question ko ay...in case na mahuli ako ok lang ba na open pa din yung
    naka indicate sa mga xerox documents ko? paano ba dapat gawin dito?

    salamat
    ,Fernan


    paps, ung auto ko, galing korea..open deed of sale..ang naka-pirma, ung orig owner na koreano..pinaayos ko na lang sa loob ng LTO..umabot ng more or less 6k, pati hi-way patrol, emission testing, macro etching, etc....siguro kasama na pati pang-goodtime ng naglakad ng papel, hehehe..'tsaka umabot ng almost 1month..ala ka ba kontak sa LTO na malapit sa inyo?

    kasi matrabaho talaga yan, eh..

    OT: hirap pag hindi pa nakapangalan ang auto mo tapos magka-aberya ka sa kalsada...

  13. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    28
    #13
    Up ko lang itong thread na ito mga boss.... May copy ng form ba kayo dyan ng CONTRACT of SALE saka DEED of SALE?

    pa send naman po sa acvthe3rd*yahoo.com

    May plano kasing ibenta yung "galvanized" van namin eh uunahan ko nang mag research para malaman ko yung basic info na nilalaman sa mga forms na ito!


    Thanks!

  14. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    147
    #14
    Quote Originally Posted by buraot View Post
    paps, ung auto ko, galing korea..open deed of sale..ang naka-pirma, ung orig owner na koreano..pinaayos ko na lang sa loob ng LTO..umabot ng more or less 6k, pati hi-way patrol, emission testing, macro etching, etc....siguro kasama na pati pang-goodtime ng naglakad ng papel, hehehe..'tsaka umabot ng almost 1month..ala ka ba kontak sa LTO na malapit sa inyo?

    kasi matrabaho talaga yan, eh..

    OT: hirap pag hindi pa nakapangalan ang auto mo tapos magka-aberya ka sa kalsada...
    thanks. pero ok naman daw yung papers nag tanong ako sa wheeler's club sabi completo naman daw yung papers ko. ang kinukumpleto ko lang yung mga clearance. medyo bitin lang ako sa freetime kaya hindi ko maasikaso.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #15
    may mga LTO na maselan, bago kayo magkalimutan ng previous owner... aside from the signed deed of sale, humingi din kayo ng xerox ng ID saka proof of billing para sa address...

  16. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    605
    #16
    Quote Originally Posted by prysm_1 View Post
    thanks. pero ok naman daw yung papers nag tanong ako sa wheeler's club sabi completo naman daw yung papers ko. ang kinukumpleto ko lang yung mga clearance. medyo bitin lang ako sa freetime kaya hindi ko maasikaso.
    paps, matrabaho talaga..dami clearnace na kailangan, that includes the highway patrol (a.k.a. kurakot brigade, hehehe, joke lang po)

    pero the earlier na ma-transfer sa u ownership, the better..

    sa min, pag kuha ko ng oto at papers, the next day, punta agad kami sa LTO dito, hanap ng makokontak para lakarin ang transfer of ownership..inabot din ng matagal ang transfer..

    suggestion ko, hanap ka na lang ng kontak sa loob ng LTO para hindi ka mahirapan..of course, medyo magastos pero once ma-transfer mo na, relieve ka na dahil ikaw na ang true owner ng auto..good luck paps..

  17. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    34
    #17
    [QUOTE=...suggestion ko, hanap ka na lang ng kontak sa loob ng LTO para hindi ka mahirapan..[/QUOTE]

    non ko pa gusto i suggest to kaso nagdalawang isip ako kung tama ba na ituro, pero sa totoo lang ganito rin ginagawa ko

    suggestion lang, mas healthy siguro kung pm na lang pag mga ganitong advice kasi baka mabasa ng mga bata.

    may kasabihan..

    ang maling ginagawa ng matanda sa mata ng bata ay nagiging tama

  18. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    605
    #18
    Quote Originally Posted by 79gemini View Post
    non ko pa gusto i suggest to kaso nagdalawang isip ako kung tama ba na ituro, pero sa totoo lang ganito rin ginagawa ko

    suggestion lang, mas healthy siguro kung pm na lang pag mga ganitong advice kasi baka mabasa ng mga bata.

    may kasabihan..

    ang maling ginagawa ng matanda sa mata ng bata ay nagiging tama
    ay, fafs, sowweee..hehehe...


    mangiyak-ngiyak tapos close up ng camera:
    I AM SORRY!!



    hehehe..don't worry, next time, pm na lang..hahah..

open deed of sale