New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 17 of 17
  1. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #1
    PILIPINO 101:
    Ni: Propesor Juan Galleon ng Tundo

    20 rason para malaman mo na ikaw ay pilipino:

    1. Ang paborito mong almusal ay kape at pandesal, at para makumpleto ang ekspiryens eh isinasawsaw mo ang pandesal sa kape hanggang sa hindi na ito magmukhang tinapay tsaka mo siya kakainin ng buong giting.

    2. Ang lasa ng ispageti mong kinakain ay matamis imbes na maasim(malamang dahil sa sangkatutak na UFC banana ketchup para magmukhang marami kahit kalahating kilong giniling na baboy at isang pirasong hotdog lang ang sahog), bago mo ito kainin ay hinahalo mo muna ang "sauce" hanggang sa magpantay-pantay ang kulay nito.

    3. Kapag nakasakay ka ng dyip at malapit ka ng bumaba eto ang mga sinasabi moat ginagawa para maihinto ang sasakyan:

    -sisigaw ka ng "Mama, para sa tabi!"
    -sisitsitan mo ang driver "pssssstttttttt!!!!"
    -ipopormang pabilog ang bibig at gagawa ka ng tunog na parang tumatawag ng aso.
    -kakatukin mo ang bubong ng dyip.

    4. Hindi ka nasusuya sa amoy ng bagoong at patis.

    5. Kapag naiihi ka at gusto mong magbanyo ang tanong mo eh "saan ang C.R. dito?"

    6. "Manong" ang tawag mo sa sekyu ng kumpanyang/eskwelahang pinagtatrabahuhan/pinapasukan mo.

    7. Sa states ang slang nila sa pulis ay "Pig", ang sa iyo naman eh "Buwaya".

    8. Mahilig kang manood ng mga soap opera na alam mo na kung ano ang mangyayari sa ending.

    9. Sa kalye, kapag may sumutsot eh napapalingon ka.

    10. Mas malakas kang mag-text kesa tumawag sa cellphone mo.

    11. Nagpaparamdam ka sa pamamagitan ng missed call(wala ng drop call ngayon may bayad na eh!).

    12. Ang tingin mo sa tinapay eh pang-meryenda at pang-almusal lang.

    13. Natatawa ka kapag may nakita kang nauumpog, nadadapa, nadudulas at sumesemplang sa harapan mo.

    14. May mga kapitbahay kang chismosa na daig pa ang SAS, CIA, FBI at KGB sa pagkalap ng impormasyong tungkol sa buhay ng may buhay(pano kaya nila nagagawa yun?may comsat station kaya sila?, marunong kaya silang mag-tap at mag-intercept ng telepono?) .

    15. Dalawa lang ang channel sa telebisyon para sa iyo Channel 2 at 7(Kapuso ka ba o Kapamilya sagooooooottttt!!!!!!).

    16. Kuryente ang unang pumapasok sa utak mo kapag narinig mo ang salitang "jumper".

    17. May kuleksyon ka ng gamit na prepaid cards sa wallet mo.(prepaid cellphone card, prepaid internet card, prepaid na memorial plan, at kung anu-ano pang klaseng prepaid.)

    18. May kuleksyon kayo ng mga imported(at expired) na de lata sa kusina niyo, na punum-puno na ng alikabok dahil ayaw ipakain ng nanay mo sa inyo(for display purposes only?).

    19. Ang nanay mo ay mahilig magsuot ng mga bulaklaking mga damit(meron syang isang dosena nito) na kung tawagin ay "daster".

    20. Ang tingin mo sa lahat ng bumbay ay nagpapautang ng payb-siks(madalas ng mga pangalan nila eh Johnny, George at Charlie na nakasakay sa motor.).

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    1,267
    #2
    Hhhoooooyyyy pinoy ako!

  3. #3
    :lol: di kumpleto araw ko kung walang kape hehehe.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    233
    #4
    dapat hindi lng pandesal with kape, kasama din sa umaga yung "tuyo at sinangag" , magkamay kumain, nakataas pa ang isang paa. . .

  5. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    269
    #5
    pinoy lang din ang yumuyuko kapag dadaan sa gitna ng dalawang taong naguusap o kaya kapag dumadaan sa harap ng TV habang may ibang taon nanunuod.

    pinoy lang din ang mahilig tumawag gamit ang "pssstt"

    And.... pinoy lang din ang naliligo araw araw. Minsan pa nga three or more times a day, lalo na kapag summer.

  6. #6
    at kapag kumakain at nakita ka, sasabihin sayo "kain tayo", ano kaya kung nakikain ako baka murahin pa ako :lol:

  7. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    132
    #7
    Pinoy rin ang nagtatanong "San ka?" at pinoy rin ang sumasagot ng "Dyan lang"... habang ginagamit na panturo ng direksyon eh ang kanyang nguso... :-) heheheh..

  8. FrankDrebin Guest
    #8
    ..at ang universal word na "ANO".

    Si Ano na-ano na ba ni ano? Ah oo si ano na-ano na ni ano. Ano?! Nag-anuhan na sila?! Oo!

  9. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    1,310
    #9
    Quote Originally Posted by FrankDrebin
    ..at ang universal word na "ANO".

    Si Ano na-ano na ba ni ano? Ah oo si ano na-ano na ni ano. Ano?! Nag-anuhan na sila?! Oo!
    "Ano" is the Tagalog equivalent of "Y'know".

    It's an expression of y'know, hesitation. Kapag ano... di mo maalala yung sinasabi mo o kaya yung ano... nahihiya kang sabihin.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,114
    #10
    ANO daw? ? hahaha

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    693
    #11
    hahaha.. natawa ako dun, a.... totoo halos lahat!

  12. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,153
    #12
    indi ako pinoy in blood but im born here and a citizen n damn proud to be one

  13. Join Date
    Jun 2003
    Posts
    1,121
    #13
    Quote Originally Posted by mugen
    3. Kapag nakasakay ka ng dyip at malapit ka ng bumaba eto ang mga sinasabi moat ginagawa para maihinto ang sasakyan:

    -sisigaw ka ng "Mama, para sa tabi!"
    -sisitsitan mo ang driver "pssssstttttttt!!!!"
    -ipopormang pabilog ang bibig at gagawa ka ng tunog na parang tumatawag ng aso.
    -kakatukin mo ang bubong ng dyip.


    e sa panong paraan ba mag papara ng jeepney if hindi ka pinoy?
    e lahat ata ng paraan ng pag para naisama na pag foreigner tumatalon na lang bigla sa bintana?

    hehehehe
    curious lang

  14. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,420
    #14
    hahahhaa

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #15
    Quote Originally Posted by Sheep
    e sa panong paraan ba mag papara ng jeepney if hindi ka pinoy?
    e lahat ata ng paraan ng pag para naisama na pag foreigner tumatalon na lang bigla sa bintana?
    naka kita na ako nyan... mga foreigners working for www.worldvision.org.ph

    marunong mag tagalog!!! medyo may accent lang nga... ;) niloloko pa nga nung drayber... gustong ipaulit yung sinabi. hehe.

  16. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #16
    me pa add ako:

    ...if you add hotdogs to your spaghetti

  17. FrankDrebin Guest
    #17
    Quote Originally Posted by Alpha_One
    "Ano" is the Tagalog equivalent of "Y'know".

    It's an expression of y'know, hesitation. Kapag ano... di mo maalala yung sinasabi mo o kaya yung ano... nahihiya kang sabihin.
    Y'know that Y'know is Y'knowing Y'know? In tagalog...Alam mo ba na si Ano inaano si ano?

20 rason para malaman mo na ikaw ay pilipino: