May insurance bang involved, either sa iyo or dun sa taxi? Kung may insurance siya, pwedeng mag-alok ka na babayaran na lang yung participation fee niya for the repairs. Kung ikaw ang meron, you can have the taxi serviced through your insurance company's accredited shops.
Sa case ko, nakabangga din ako ng oto. Wala siyang insurance, ako meron, so I offered to have the car repaired through my insurance's accredited shops; may free pick-up and delivery pa yun sa bahay niya. Ayaw nung kabilang partido, gusto nila sa shop nila ang repairs, which gave them a higher quote than the one quoted by my company, and they wanted me to assume the balance. Since ang usapan namin, insurance ko ang sasagot at yun lang talaga ang kaya kong ibigay, hindi ako pumayag. Hinarass pa ako ng officemate niya at tatay niya (kuno) sa telepono; lalong hindi ako pumayag sa gusto nilang mangyari. In the end, bumigay din siya, kinuha na lang yung amount na inalok ng insurance ko. Hindi naman sa pagmamalaki, pero kung ibang driver yung nakadale sa kanya, malamang tinakbuhan lang siya.
Kung pareho kayong walang insurance, medyo mahirap yan. Better have the repair cost estimated by an impartial third party.
Last edited by Bogeyman; November 16th, 2006 at 04:18 PM.