Mga guys! matagal na akong naghahanap ng mga gamers ng NFS Most Wanted. Sa wakas at may mga gamers nito dito. Actually, 5 beses ko ng natapos ang Most Wanted. Kung susumamuhin, kaya ko syang tapusin with in a day. Advice sa mga beginners, the best car for first timer is Chevrolet SS. Maganda sa banggaan at setup. Easy Handling pa. may black hole yung Most Wanted kung saan kayo makakapagtago. The best part eh yung Boat/Dock Yard. Kapag dinudumog kayo ng pulis...dun kayo magpunta. maraming rampahan at taguan dun. madali silang nawawarak kapag rampa kayo ng rampa. eventually, gagamit din kayo ng mga high powered vehicle kapag marami na kayong pera. kung kinukulang kayo ng pera, ulitin nyo lang yung race na gusto nyo para magkaruon ulet kayo ng pera. Until such time na nakuha nyo na yung money na gusto nyo. yung best car na maaadvice ko sa inyo eh yung Lamborghini Gallardo. para kapag nasa top 3 list na kayo, madali nyong matatapos yung mga mission dun. lalo na yung mga impossible na milestone. pero makakaya nyo kapag fully setup na yung gusto nyong kotse. ang top car na ginagamit ko sa game na ito eh Mitsubishi. pangalawa lang yung Gallardo. Interested akong ma-meet kayo guys. sana magkaruon tayo ng samahan para sa game na ito. This is the best NFS na build ng EA Sport. the rest are junks. So anyone interested racing with a human, just contact me. Sabik kasi akong makipag race ng tao sa tao dito sa game na ito. kontakin nyo lang ako sa YM: jakemaawatan

sana makalaro ko kayo, bago ako sasampa ng barko. kung may gusto pa kayong malaman sa game na ito...email nyo lang ako sa Yahoo account ko at sasagutin ko yung mga tanong nyo. maraming salamat.