hindi na ko nakakapanood ng local basketball games lately, nababasa ko na lang paminsan-minsan ang games results at ang mga major na nangyayri and this
became obvious last night in a scene inside an elevator sa isang hotel sa ortigas
my wife and i were talking inside the elevator and it stopped at a floor where a very tall young man came in--now, there were just the 3 of us inside.
tuloy pa rin kami ng usapan ng wife ko but i became very curious about this third person inside who i'm sure is playing basketball somewhere which prompted me to talk to him
ako: (nakatingala) "hi, saan ka naglalaro?"
basketball player: (smiling back) "sa national team po."
ako: "talaga? which team?"
basketball player: "smart gilas"
ako: (hindi pa rin nag-iisip kasi gusto nang bumalik sa usapan with my wife) "ah, really? ano'ng pangalan mo?"
basketball player: (in humble tone) "japeth po." and by this time, we had reached his floor and the door opened.
ako: . . .(wala pa rin, di pa rin nag-register)
basketball player: (exiting the elevator) :"aguilar"
ako: (hiyang-hiya--totally) "ooh, sige, iwasan ang injuries, ha".
ako: (pagsara ng pinto) "5hit!" :hihihi:
Last edited by vito corleone; July 9th, 2010 at 10:45 AM.
Ok lang yun hindi na naman ganun ka popular basketball sa pinas, Hindi na katulad nung 80s and 90s, mahilig pa din ako sa basketball pero maski ako hindi ko na kilala mga players ngayon
Dati katabi ko na si Helterbran sa isang clinic sa Megamall nagpapatheraphy siya hindi ko rin alam pangalan niya, alam ko player siya, sabay pa kami nagtanong noong isang katabi niya anong team ka ngayon