...nagpatay at nagbuhos ng dugo ng manok at asin sa lupa na papatayuan nyo ng bahay?
Iniisip ko kasi anong ritual pa ang dapat gawin if ever, although hindi naman ako masyado naniniwala sa lumang tradisyon...
...nagpatay at nagbuhos ng dugo ng manok at asin sa lupa na papatayuan nyo ng bahay?
Iniisip ko kasi anong ritual pa ang dapat gawin if ever, although hindi naman ako masyado naniniwala sa lumang tradisyon...
kaugalian, wala naman mawawala kung gagawin. project manager ng contractor ko, una pangako sa mga tao isang kambing kaya excited sila. nung gagawin na ritual 2 manok ang dala![]()
Yan din sabi ng Contractor ko, sabi ko bahala ka, ako di naniniwala pero okay lang.
Tinanong pa kung naniniwala ako sa pungsoy, sabi ko ang pungsoy ko ay practicality ng design based on existing conditions, like room location para malamig na hapon, openings to maximize ventilation, and space maximization dahil maliit lang lote ko![]()
Sa norte yata yung kaugalian na ganyan. mag-aalay para matigas daw yung konkreto.
NNGIIIIIIII!!!!!
Yun pa ang iniiwasan yun pa ang inimbitahan!
I think I won't do this ritual na lang, asin na lang, okay na, after all, yung bahay ko ngayon itinayo 18 years ago, hindi namin napaduguan, okay naman
other than multo lang ng kapitbahay ang nakikita from time to time, LOL.
Spreading salt is practiced in Southeast and East Asia. We did that when we broke ground.
Malimit ang padugo dito sa Pilipinas. Ayon sa tiyuhin kong Ilonggo, dapat palihim at hindi pinapakita sa ibang tao. Sa aming bahay, gusto sana namin pero hindi kami marunong. Sagot ng kontractor, ginagawa talaga ng mga trabahador para mapanatag laban sa aksidente.
Meron pa, yung paglagay ng barya sa pundasyon. Para sa kasaganaan.
Diba yun bridge na Pinagawa daw ni Imelda daming batang pa dugo. [emoji23]
Sent from my iPhone using Tapatalk
True yan sa film center. They did not bother to dig up the bodies. Also they amputated a few legs of unfortunate workers instead of trying to dig them out. Nagmamadali si Imelda na magawa kasi naka-set na yung opening date. Basta na lang nilagare yung mga legs at iniwan na dun. Televised pa yata yung isa habang pinuputulan ng legs, i can still see the tv picture in my head right now.
How quick can quick set concrete set?
dyan din ako takot na takot nung bata ako .sinasabi ng Lola ko na matulog nalang kami sa tanghali kaysa maglaro sa labas dahil daw may mga ginagawang tulay sa lugar namin.baka daw kami ang gilitan ng leeg dun sa puno ng tulay.
kay ayun takot na takot kami at walang magawa kundi sumunod sa lola![]()
i think may mga quick dry concrete mix na 3 hrs lang pwede na daanan o patungan ng load.
BTT: sa amin sa norte may gumagawa pa rin niyan padugo. paniniwala ay para daw matibay at magtagal...then nuong araw, madalas kapag may ginagawang tulay, panakot ng mga matatanda yung myth na may nangunguha ng bata o "kumaw" sa ilocano. sila din kasi tinakot ng mga matatanda rin nuon kaya until now panakot pa rin yan sa mga bata sa amin![]()
Ngayon wala ng padugo sa mga kalsada at tulay.
Ang goal ngayon, masira ang mga daan at tulay in less than 3 years para may pag gagamitan ulit ng pork barrel .
Last March, nagkagulo yung isang gc namin dahil sa isa naming kaibigan na nag-share ng padugo nya sa house construction nya.
Yung dalawang sagrado Katoliko na friends namin diabolic nga daw because of offering of life and only pagans lang daw yung gumagawa.
Pinayuhan na lang nila na sa house blessing ask na lang ang priest for sealing and deliverance.
Nabasa ko sa thread na mukhang invitation pa ata for masamang espiritu, matatakutin pa naman yun sa multo.
Hindi ko na lang sasabihin sa kanya yung nabasa ko dito baka magka-anxiety pa sya.. :D
May nabasa din dito sa thread na taga-Iloilo na nagpapadugo.
Both sides ng family ko mga taga-Iloilo pero hindi namin ginagawa yung practice/tradition na yan.
Dahil hindi din kami Roman Catholic, wala din kami house blessing (walang multo sa bahay since late 80s nung ginawa ito).
Yung sa kapitbahay namin na nakailang house blessing na meron "daw" multo at laging minamalas "daw" ang may-ari :D more than 5 owners na ata na nagpasa-pasa. Pero hindi kami naniniwala unless makita namin yung multo (which is sa tagal namin naninirahan dito wala naman sumilip sa bintana na multo or gumala na multo para matanaw namin). Yung kamalasan naman, hindi lang talaga ok sa financial management yung mga naging owners maliban dun sa original na may-ari. Parang urban legend lang, yung sa padugo ang tsismis is gusto lang talaga makakain ng karne yung mga workers before construction at yung sa tulay, kinukwento ng matatanda sa bata para madisiplina nila sumunod sa curfew hours (huwag magpagabi sa paglalaro sa labas ng bahay/kalye) at para madisiplina din na matulog sa hapon.
Kaya may padugo dahil may bad spirits.
May project kami noon sa Zambales, tunelling, ilang blast na ginawa namin hindi kami maka-abante.
Sabi nung mga Igorot na kasama ko magpa kanyaw daw, kaya nag offer kami ng puting baboy at isang bilog (gin).
The moment na tumulo yung dugo ng baboy sa lupa, nakaramdam ako ng air breeze galing sa tunnel, tumayo balahibo ko.
After that hindi na kami nagka problema.
Yung isang project namin sa bandang Kidapawan, since ancestral land ng isang lumad tribe, nagkaroon ng seremonya. This was after natapos na yung project at opening na. Nagpabili sila ng manok at bote ng shoktong at pinagbihis kami ng Sunday best. Sila dumating din iin either Sunday best or wearing ceremonial tribal gear (head dress + upper na parang chaleko + beads). Akala namin kakatayin yung manok at magpapadugo. The chief priest uttered prayers, poured some of the wine into a shot glass, asked everyone to dip their finger and smear some on the chicken. Afterwards he took the chicken went around the facility, waving it around while uttering more prayers. He agian asked everyone to touch the chicken. And with a final prayer, he released it finishing the ceremony.