Results 1 to 10 of 21
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Jul 2007
- Posts
- 230
November 21st, 2007 06:19 PM #1Lagi niyo po maririnig na ang PInoy magaling. Kaya siya magaling na OFW. May mga magaling din sa sining. Pati na rin sa ibang larangan.
Kung ganun bakit ganito ang kalagayan ng ating bansa? Bakit po?
Magaling lang ba ang PInoy kung may dayuhan na namumuno. Kasi dati nung panahon ng Amerikano tayo ang pinaka magandang bansa sa Asia. Di po natin kaya kung tayo lang kaya?
Isipin niyo po. Sino ang namumuno sa mga pinaka malakas na kumpanya dito ngayon.Mga native born Pinoys o purong Pilipino ba sila? O mga "immigrants" din na galing sa ibang bansa tulad ng Tsina. Di po laban sa mga Chinoys pero tingnan lang po natin kung bakit ganito dito para makasulong tayo.
Kasi ang mga dayuhan na nanatili dito kaya naman po gumawa ng magandang negosyo diba? Ba't hindi gaano ang mga PInoy?
Magaling lang ba ang Pinoy pag tagapag sunod o tagapag pamuno?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 232
November 21st, 2007 06:45 PM #2Talagang magagaling at maabilidad ang mga pinoy yan ang isa sa mga kahanga hangang katangian natin pero may mga ugali din tayong mga pinoy na sadyang di kanais nais na siyang dahilan at nagpapabagsak din sa mga pinoy.isa na diyan yung talangka mentality,ningas kugon, ,mahilig sa showbiz, gusto biglang yaman,palakasan at mga kunsintidor.
Dami pa mga dahilan as susunod na lang...
-
November 21st, 2007 06:48 PM #3
Dalawa kasi mas magaling kesa sa ating mga Pinoy:
1.) Mga pinuno natin, kaya pinaiikot lang nila tayo.
2.) Mga kamag-anak natin, kaya ginagatasan lang nila tayo.
-
November 21st, 2007 08:05 PM #4
sa totoo lang talagang magaling ang pinoy
--- ang pagka resilient natin
--- ang mapagbigay at papayag na lang kahit masama loob na ugali natin to the extent na tawag sa atin ng dAYUHAN AY BOBO TAYO.
ang talagang ugat sa akin lang ay ang pagdating sa management at leadership kasi once na doon na tayo inuuna agad ang sariling kapaakanan.
then nandyan na yang pagkakaisa ng pinoy. sabi nga kabago-bago palang ng vietnamese sa america eh may mga naitatag na sila na bank at cooperatiba. ang pinoy mas gustuhin pang makasuut ng mamahaling damit at makagamit ng mamahaling sasakyan kaysa maginvest o magform ngpinoy cooperatives.
-
November 21st, 2007 08:12 PM #5
pwedeng:
1. its only a defense mechanism
2. consuelo de bobo for us by developed countries
or
3. we are lazy and blame our frustrations to politicians or other people.
i think in reality, despite magaling tayo. maraming free loader.
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Oct 2006
- Posts
- 760
November 21st, 2007 09:35 PM #6Simple lang ito...
...Superman does not exist!
Walang taung magaling sa lahat ng bagay. Me kani-kainiyang forte pero walang nakaka alam ng lahat.
Magaling ang Pinoy sa maraming bagay pero palpak din cya sa marami rin. Maski ibang nationalities ganyan din.
-
November 21st, 2007 10:57 PM #7
Dahil sa mga Putong Inamoy na mga politiko natin nag la leche leche ang bansa natin.
-
November 21st, 2007 11:05 PM #8
lahat ng tao naman magaling, di lang pinoys.lahat naman nag start sa wala e.you may know all the formulas and theories pero kung ala kang actual ala kapading binatbat.mas dadaigin ka ng me alam sa theories and actual kesa yong nasa office kalang.natawa naman ako sa word na ofw na magaling, kung tayo lang me mga workers abroad pwede nating masabi na iba talaga talent natin kasi they are importing us to work for them right.imo, kaya nasabing magaling tayo dahil;
a) kailangan mo ng talent or else sa kangkungan ka pupulutin since alang bisnes man na maghahire sayo.alang ibang tutulong sayo kundi sarili mo
b) yong mga mga capitalista na nagpupunta sa iba ibang bansa di naman puro galing galing lang naman hanap e, kundi cheap labor.yan tinatawag na pagsasamantala.
c) magaling mag adapt mga pinoys sa lahat ng field.yan ang pwede pagmalaki ng pinoys, (meron din naman ibang nationals na kaya din yon pero iba talaga ang pinoy).kita kona yan on hand kaya alam ko. though di naman applicable sa lahat ng pinoys.
d) madami pang kasunod.......like madami crocodile dito at ibang lahi naka upo sa bisnes sector
-
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Oct 2003
- Posts
- 699
November 22nd, 2007 07:27 AM #10+1
agree. magalit na ang magalit pero ang totoo, hindi tayo magaling. ang pinoy ay tamad, racist, mahilig masyado sa goodtime, ningas cugon, puro palusot. in the asian countries i've been to (hongkong, singapore, thailand, macau) sa napansin ko, wala talaga tayong panama sa mga katabi nating bansa. puro tayo arte. ayaw magpakumbaba. mayabang pero wala namang maipagyayabang. we can't just hunker down and work.
while watching the other asians work, i noticed that they take pride in their work, kahit ano pa ito. tayo, puro kaartehan. ampangit ng trabaho. mahilig tayo sa "pwede na yan" at "bahala na." walang quality of work. we want to be afforded compensation based on our efforts, not on our output. di bale nang pangit ang kinalabasan ng trabaho, ang importante e nahirapan ako gawin ang trabaho ko. laging humahanap ng palusot. walang meritocracy. at feeling natin, kapag matagal na tayo sa trabaho, kahit na mediocre naman ang gawa at output natin, dapat i-promote na tayo. puro bakasyon. dapat tanggalin na ang vacation with pay. dapat sa atin, no work, no pay, para talagang mag-trabaho.
sorry guys, but that's the sad awful truth. kaya walang pupuntahan ang bansa natin but downwards. at kaya maiiwanan talaga tayo ng vietnam at ng ibang mga kapit-bansa natin.
Many years ago, I bought a 4-liter Toyota Super Long Life Coolant. I only use it for top-ups. Years...
Coolant...