Results 1 to 10 of 65
Hybrid View
-
November 6th, 2014 12:49 PM #1
dapat kasi tinext na lang nya, para walang narinig si ador, he-he!
Ang matindi, isinampay lang yung etits at inilagay sa garapon.......
Lalaki nakipagtalik sa kasintahan ng iba, pinutulan ng ari | ABS-CBN News
BOLINAO - Pinutulan ng ari ang isang lalaki sa Bolinao, Pangasinan. Nahuli diumano sa akto ang biktima na nakikipagtalik sa kasintahan ng suspek.
Nangyari ang lahat ng marinig ng 40-anyos na suspek na si "Ador" ang pag-uusap sa cellphone ng kanyang 45-anyos na live in partner ang pag-iimbita raw nito sa 33-anyos na biktima sa kanilang bahay Martes ng gabi.
Inakala raw kasi ng babae na mangingisda na si Ador, pero nag-abang na ang suspek para patunayan ang kanyang hinala.
Nang matapos na raw ang pagtatalik, atska na raw ito nagdesisyong putulin ang ari ng biktima alas-2 na ng madaling araw.
Wala raw pagsisisi si Ador sa ginawa ng arestuhin ito ng pulis sa kanilang bahay sa Barangay Zaragoza.
Sa halip, isinampay pa nito ang ari ng biktima bilang patunay sa kanyang ginawa.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang kinakasama ni Ador para imbitahang magpaliwanag sa nangyari.
Ligtas at nagpapagamot sa ospital ang biktima.
Nang tanungin naman si Ador kung mapapatawad pa ang ginawa sa kanya ng kanyang kinakasama, ito ang malinaw na sinagot niya: "Patatawarin ko pa rin siya."
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng pulis ang ari ng biktima na inilagay na lamang sa garapon na may lamang formalin.
-
November 6th, 2014 01:09 PM #2
"kasalukuyang Nasa kustodiya ng mga pulis ang ari"
Ang salarin! kaya dinampot din ng mga pulis
-
November 6th, 2014 01:13 PM #3
pinatapos muna yung 2 bago tinagpas...... (siguro, habang nakatayo pa, ha-ha!
)
-
November 6th, 2014 01:17 PM #4
Huwag kayong magagawi sa Bolinao,- maraming mamumutol pala riyan.....
(Ang ganda pa naman ng lighthouse diyan.... )...:naughty2:
“The measure of a man is what he does with power – LJIOHF!”
Duterte for President of the Philippines in 2016!
24.9K:phone:
-
November 6th, 2014 02:50 PM #5
pano pinutol ng hindi nalalaman?
kawawa naman si etits. pinutol na binigti pa.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,754
-
-
-
-
November 6th, 2014 07:00 PM #10
If you don't have a spare tire, a tire inflator using the socket of the car as power outlet is the...
Liquid tire sealant