Pagod..
Parang may adrenaline rush ako sa 1st day ng RTO namin.. Para akong aso na sobrang saya hindi ko malaman ang gagawin.. kulang na lang magtatakbo ako sa daanan between workstations na naka-spread ang arms habang sumisigaw "hello people!!!!" [emoji23]
Ang busy ko sa 1st 4 hours, turn on ako video sa mga meetings, tuwang-tuwa mga colleagues ko from US and Brazil.. Parang uminom daw ako ng coffee+vodka+red bull.. Pati daw sila nahawa sa energy ko..
Tapos yung mga office friends ko, nakakatuwa, tumatambay sa likod ko.. Tsumitiempo kung libre ulit ako in between meetings tapos kwento uli..
May isa dun sa ikatlong pagkakataon na napansin nya free na uli ako, kumuha na ng upuan para magkwento sa tabi ko.. [emoji28]
Yung Manager ko sa US, naintindihan ata dahil 1st day ko sa office maaga din tinapos meeting at hindi muna ako kinausap..
May free Starbucks, free pizza at free ice cream din..
First time ko din makita ang mga bagong officemates ko. Nagdala nga ako tripod at niyaya sila para mag-picture sa lobby at sa labas ng office.. Natuwa kasi ako sa isa namin colleague na from Ilocos pa, nag-VL 1 day before nung RTO para lang maka-report sya sa office.. [emoji1319]
Memorable ang 1st day sa office after mahabang WFH..
Sobrang saya ko na kahit pag uwi sa bahay hyper pa din ako..
Ngayon ko naramdaman lahat ng pagod..
Ang bilis ng byahe ko walang heavy traffic.. normal traffic gawa ng traffic light.
Holy week next week kaya hindi muna ulit mag-office.