Mag-m-meet kami ng friend ko, mag co-commute lang ako, sasakay ng mrt. So para mabilisan lang, ang ginamit kong bag e yung kikay na bag na clear plastic para kita agad yung loob at hindi na kailangan pang buklatin sa mga inspection stops ng mrt at mall.
Nung papasok na ako sa gate ng mrt pinapakita ko na sa gwadya yung buong paikot ng bag ko, parang hindi niya alam kung anong point ko, parang gustong sabihin na so ano yan? At pagalit pang sinabi sa akin na buksan ko daw yung bag, anoba! So binuksan ko naman, ang nasa ibabaw nun ay manipis na jacket, ayun tiningnan lang niya yung ibabaw, ni hindi nga niya dinutdut man lang nung chopstick niya e.
Wala lang, nalabuan lang ako, natawa rin. Halatang routine na lang yung ginagawa nila, walang processing of data kumbaga.