New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 28
  1. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #1
    Napapansin ko lang yung mga kaopisina ko na nakikisabay sa akin karamihan ang lakas magsara ng pinto ng oto. At talagang bumebwelo pa para isara.

    Yung iba sinabihan ko na dahan dahan lang. Hininaan naman ng konti pero malakas pa rin. Kaya ginagawa ko binubuksan ko ng konti bintana para hinde nakakabingi.

    Ano ginagawa nyo sa mga ganyang klaseng tao? Minsan iniiwasan ko na isabay pero pag minamalas wala akong magawa kundi pasakayin e. Kaso naaasar ako pag bumaba na.

  2. Join Date
    May 2011
    Posts
    99
    #2
    Baka sanay sila sa lumang auto na kailangan malakas ang sara? Mas nakakainis yung pag bukas ng pinto tumatama sa wall o katabing car. Pag sa ganiyan na tao don't say anything na lang, iwasan mo na lang para di na makisabay Kung di sila conscious sa ganun bagay di ka rin nila maiintindihan.

  3. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #3
    Pag nasanay sila sa mga lumang kotse ganyan na sila habang buhay. Unless kaya nila magbago ng ugali sa pagsara ng doors.

    Yung mga Isuzu grabe sa kunat ng pinto, yung Trooper mabigat nga ang pinto pero mahirap naman isara

    Ako naman, di ako malakas magsara ng pinto. Pag galit lang Pag alam kong ganyan yung sasakay sa kotse ko, ako na nagsasara ng pinto para sa kanila.

  4. Join Date
    May 2011
    Posts
    99
    #4
    Quote Originally Posted by Starex_Gold View Post
    Pag alam kong ganyan yung sasakay sa kotse ko, ako na nagsasara ng pinto para sa kanila.
    +1 Bukod sa hindi na bagsak yung pinto, nagmukha ka pang gentleman/mabait

  5. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #5
    Actually, most of them don't have a car or don't give a damn about it ( - if ever they own one ) & no, before you start an argument about this I am not looking down to those who don't really " own " or drive one. It's just that, if they did own one, probably they would be more careful in opening & closing the doors as they will understand what the owner feels when somebody shut their doors hard or worse ... mark a dent on it.

    Hindi lang siya pinto sa totoo lang. Even the trunk. Kapag ginagawa nila yung ganyan, I " joke " them by saying ... " Galit ka ? " ... of course maintaining a big grin on my face.

  6. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #6
    Quote Originally Posted by sugarkane View Post
    +1 Bukod sa hindi na bagsak yung pinto, nagmukha ka pang gentleman/mabait
    Actually may nakapansin na nyan sa akin.

    So she asked kung bakit ako nagsasara ng pinto for her, sabi ko "Kasi ang lakas mo magsara ng pinto, di ka naaawa sa kotse ;) "

    Ayun tahimik sya

  7. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #7
    Pag palaging malakas magsara di ba pwede mawala sa alignment yung pinto? E kung lalake sumabay sayo tapos malakas magsara tapos ikaw na lang magsasara para sa kanya, parang ang sagwa tingnan.

  8. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #8
    Yep. Medyo masagwa nga tingnan.

    Pero mas importante pa sa kanila ang kotse ko

  9. Join Date
    May 2011
    Posts
    99
    #9
    *robot.sonic iwasan mo na lang talaga para hindi makisabay, sabihin mo iba yung route mo or may imeet ka pa.

    Pano ba yung mga ofcmates mo? They really say na pwedeng makisabay? Shouldn't they wait for you to offer? Actually even if you ask they shouldn't take your offer unless you insist.

  10. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #10
    mga kaibigan ko naman sila. close kami.

    pag lunch out halimbawa, 5 or 6 kami nyan sa kaliit liit na jazz ko. kaya namomroblema ako kasi yung tatlong pinto ang malakas ang pagsara. samantalang ako dahan dahan.

    meron pang ibang nakakainis. yung pinapakialaman ang radio ko at nagbubukas ng compartment para tingnan ang laman. hay.

  11. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #11
    sa ride ko mas gusto ko medyo pabalibag lalo na sa likod.
    asar kasi yung iba itutukod pa yung kamay sa pagsara nagkaka-dent tuloy.

  12. Join Date
    May 2011
    Posts
    99
    #12
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post
    mga kaibigan ko naman sila. close kami.

    pag lunch out halimbawa, 5 or 6 kami nyan sa kaliit liit na jazz ko. kaya namomroblema ako kasi yung tatlong pinto ang malakas ang pagsara. samantalang ako dahan dahan.

    meron pang ibang nakakainis. yung pinapakialaman ang radio ko at nagbubukas ng compartment para tingnan ang laman. hay.
    I think the problem lies with your friends being not well-versed in etiquette. Everything is so wrong! Imagine 6 kayo sa car? 4 sa likod? Pag ganyan they should insist on taking a cab instead kasi kawawa auto mo. Tapos pinakikialaman pa yung radio and compartment? Let me guess? They don't offer to pay for parking?

  13. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #13
    tama. kahit parking fee wala. (sana di sila nagbabasa dito sa tsikot). ok lang na 4 sila sa likod kasi ang average weight nila siguro 40 kilos lang. mga babae.

    yung nagbubukas ng compartment dati nagtanong pa kung pwede daw tingnan yung glove box. sabi ko hinde kas private yan. sa awa ng dyos, binuksan pa rin.

    palitan ko na lang kaya title ng thread na to. "Mga rants ni robot.sonic". Kasi madami pa akong kinaiinisan e. Dito ko na lang sasabihin kasi di nyo naman ako kilala.

  14. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,276
    #14
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post
    Napapansin ko lang yung mga kaopisina ko na nakikisabay sa akin karamihan ang lakas magsara ng pinto ng oto. At talagang bumebwelo pa para isara.

    Yung iba sinabihan ko na dahan dahan lang. Hininaan naman ng konti pero malakas pa rin. Kaya ginagawa ko binubuksan ko ng konti bintana para hinde nakakabingi.

    Ano ginagawa nyo sa mga ganyang klaseng tao? Minsan iniiwasan ko na isabay pero pag minamalas wala akong magawa kundi pasakayin e. Kaso naaasar ako pag bumaba na.
    Sa ganyang situation, magbiro ka (dahan-dahan ha, hindi ito jeep, sabay ngiti) para maalala nila at tumatak na sa isip nila... works a lot of times pero minsan may mga tao na kelangan pa ulit ng 2nd round ng paalala.
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  15. Join Date
    May 2011
    Posts
    99
    #15
    ^ So predictable. It must be so frustrating to have to deal with them on a daily basis 'no? Basic rule kaya na wag makialam ng gamit ng iba. I hope you don't go on long trips with them because I don't think they would insist on paying for gas. lol. Wala ka ng magagawa kasi they don't know that they are being offensive na.

  16. Join Date
    May 2010
    Posts
    1,510
    #16
    ako pinapagalitan ko..

  17. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    631
    #17
    Most people who ride with me are either good friends or staff,so if anyone inadvertently slams the door of my vehicles, I simply say "you know, hindi kailangan malakas ang pagsara niyan." with a smile of course, hehe. and they get it. sometimes, sa sobrang takot (in the case of staff), I have to close the door again because they did so so weakly the door wasn't closed properly *lol*

    What I hate are the guards in RCBC Plaza, who a lot of times slam the trunk of my car (an Altis) after inspection. When they do that, I shout, "Ano tingin niyo sa oto ko, taxi?" fortunately, they're a bit gentler when I bring an SUV.

  18. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    133
    #18
    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Kapag ginagawa nila yung ganyan, I " joke " them by saying ... " Galit ka ? " ... of course maintaining a big grin on my face.
    Oy, pareho pala tayo ng style!

  19. Join Date
    May 2011
    Posts
    1
    #19
    I guess they are used to ride in FX or taxi which one needs to use force to shut its doors...

  20. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,276
    #20
    Quote Originally Posted by redrose4566 View Post
    I guess they are used to ride in FX or taxi which one needs to use force to shut its doors...
    Oo, ganyan karamihan sa reason nila, sanay sa mg PUJ at multicab na ang tigas at mahirap buksan at isara mga pinto.
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

Page 1 of 2 12 LastLast
Malakas magsara ng pinto