not sure though if this was already posted
(paki delete nalang mga mods, thanks)


1) Maganda ang mata

Ikaw: Miss, ang ganda ng mata mo.

Sya: Talaga? Thank you!

Ikaw: Oo, sana mata ka nalang.

2) Ang makeup

Ikaw: Miss, ang ganda ng makeup mo!

Sya: Talaga?

Ikaw: Oo, sang funeraria ka nagpagawa?

3) Pamilyar!

Ikaw: Miss, parang pamilyar ka sa akin…

Sya: Talaga? Pamilyar ang muka ko?

Ikaw: Hindi. Yung hininga mo.

4) Ahit

Ikaw: Miss, mag-ahit ka na.

Sya: Ng legs?

Ikaw: Ng bigote.

5) Kalamansi

Ikaw: Miss, siguro kalamansi ang gamit mong panlinis ng mukha no?

Sya: Bakit? Kasi makinis ako?

Ikaw: Hindi, kasi parang naiwan pa yung mga buto!

6) Pretty

Ikaw: Miss, ang pretty mo.

Sya: Talaga?

Ikaw: Oo, pretty ugly.

7) Anong pangalan ng nanay mo?

Ikaw: Miss, anong pangalan ng nanay mo?

Sya: Nena bakit?

Ikaw: Ah, kala ko Browny.

8 ) Balbon

Ikaw: Miss, balbon ka pala no? Swerte daw ang mga balbon!

Sya: Talaga? Bakit naman?

Ikaw: Swerte hindi naging unggoy!

9) Mabango!

Ikaw: Miss ambango mo!

Sya: Aaaaaw talaga?

Ikaw: Oo, paborito ko ang amoy ng paksiw!