Originally posted by aann
eto pa naaalala ko..

- nung HS lagi ako (at mga kbarkada ko) nangttrip tuwing uwian...bago mag dismis naglalagay ako/kmi ng pampabigat o kahit ano man sa mga bag ng kaklase namin..mapa wall clock, hollow blocks, blackboard eraser, lupa etc. hehe

hahaha... gawain ko yan... ang gamit ko lang naman eh yung mga tiles na semento (dahil nabibiyak na yung iba). kadalasan dala-dala pa rin kinabukasan yung mga tiles! halatang hindi gumagawa ng assigment!

==========

- nung dating umuulan, maraming payong na nasa likod... yung isa kong classmate humiga sa likod at natulog sa likod ng mga payong...

- chess sa loob ng classroom. lalapag namin yugn chess set sa isang bag... tapos i-slide lang namin sa kalaban yung bag.

- nung boyscout camping, yung isa naming may topak na kasama dinuraan yung cap ng classmate ko. eh maputik sa lugar kasi kakaulan at clay yung lupa, pinuno namin ng putik yung cap tapos pinasok namin sa bago nung dumura pagkatapos nya mag impake bago umuwi.

- nung boyscout camping ulit, yung natutulog sa dulo ng tent, unti unti naming i gugulong hanggang sa labas na siya natutulog.

- boyscout camping ulit, yung mga nakatulog ng medyo maaga (tulad ko) - nagising na lang kaming puro sulat ang mukha namin.

- kapag may naghubad ng sapatos sa classroom, itatago yung sapatos... o kaya lalagyan ng papel sa loob.

- staple wire boobytraps! hahaha! :D

- yung mga locker, sisingitan namin ng kung ano anong basura (kasi dba may slot yun?)

- nakiki locker sa hindi naman locker. alam na ng buong klase ang combination. haha.

- pupunuin namin ng hot sauce yung pizza. ang unang uminom ng tubig eh manlilibre ng pizza.

- gagastusin ko yung pera sa paluwagan para lang makapag video game. sakto lang ang pamasahe ko pauwi (minsan kulang pa ako ng 25 centavos).

- tatanggalin ang sintas ng mga sapatos. haha.