New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 18 1234511 ... LastLast
Results 1 to 20 of 541

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #1
    This was an interesting topic in a radio talk show.

    Where you ever bullied when you were still young? And how'd you get back at them?

    Anyway, back in grade school/high school I had a "bright future in politics" - always class president and peacemaker, which actually shielded me from bullies.

    However there was one time I was bullied by this basketball jock. (13 years old and 5'7'' na sha.) So I used my "presidential powers" :lol: to take down the bully. I put chili on the class water dispenser styro cups, and when everyone was victimized I told the teacher I saw the bully do it, with my most honest face. The verdict: One weeks suspension plus 3 days community service.

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #2
    Noong elementary,- may mangilan-ngilan na bully sa eskwelahan namin dahil public school kami. Iyon bang tipong nai-inggit dahil medyo nakakasagot ka sa mga tanong ng titser.... Isa rin naman ako sa mga matatangkad sa klase namin. Kaya noong minsan na nanghamon na ng away,- sinapak ko kaagad ng walang sabi-sabi. Siyempre awat na ang mga kaklase naming babae bago pa naging bugbugan.... Ayon, sa opis ng principal kami dinampot.... Pero, hindi na pinapunta ang mga magulang ko dahil pinsan ko ang Asst. Principal... Yari ako noong malaman sa bahay.... Anyway, hindi na ako kinanti noong kaklase ko.....

    Noon namang high school, first year- ganoon din. Public school noong elementary at private naman noong high school. Mayayabang ang mga kaklase ko dahil mayayaman sila at kumpleto sa mga gamit. Ako ay simpleng estudyante lang... Makulit ang isa at panay ang tukso sa akin.... Paglabas ng classroom,- binigyan ko ng isa,- baligtad siya at sabi ko,- "sige magsumbong ka".... Aba, mabuti na lang at hindi nagsumbong,- kung hindi kick out ako pihado dahil Catholic school for boys ang eskwelahan dito sa SouthMM....

    Noong college, ganoon din, freshman year - medyo inggit din dahil nakakasagot ako sa mga recitations at exams. E, isang grupo sila ng mga lalaki sa exclusive boys school diyan sa Makati,- makulit iyong isa at nambabato pa ng papel... Palibhasa kasi, simple lang akong estudyante at talagang hindi makasabay sa kanilang mga binibili o ipinoporma dito sa exclusive school sa Maynila... Lumabas ako ng classroom at hinamon ko ng suntukan iyong pinakapasimuno.... Mabuti na lang at hindi ako pinatos... Mabait naman pala siya. Ngayon, best friend ko siya at palagi kaming nagkikita.... Inaanak ko pa ang panganay niya... Ang buhay talaga,- hindi mo masasabi kung ano ang magiging future....

    3505:kodak:
    Last edited by CVT; August 15th, 2007 at 10:50 AM.

  3. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #3
    medyo...

    kinder ako, meron grade 3 na lalaki na gustong kunin id ko. gusto lang magpaiyak, ayun nilundag ko mukha nya sabay sapak! hehehe!

    elementary days medyo nerdy dating ko since tahimik lang ako lagi.(sa loob pala kulo) lahat ng bullies ng batch namin napabagsak ko kaya ako naging takbuhan ng mga biktima ng mga bullies hanggang high-school.

    high school lumipat ako ng ibang school. nung freshman ako medyo madami nagtatapang-tapangan sa batch namin. lucky for me yun mga barkada ko sa neighborhood namin eh seniors at upperclassmen namin saka identified ako na barkada ko sila kaya wala rin nangangahas mangbully sa kin.

    college.... iba kasi kultura sa up eh! so kahit nag-transfer ako ng school wala ako naging problema since malaki respeto ng mga teachers pati mga fratmen kapag galing ka ng up. advantage din kapag malaking tao ka hehehe!

    naalala ko pa nung college ako, may tinayo kami organization ng mga bands. kinatakutan kami nun kasi most members eh mukhang hippie! malalaki at long hair tapos tadtad pa ng tatoo! ako lang yata mukhang disente nun at hindi mukhang rakista

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #4
    Nope... sa mga schools na pinuntahan ko walang ganung cases ng bullies.

    Sa Lourdes QC dati meron... nahuli nung teacher namin namin na nilalaro yung tali ng flagpole. Ayun, nilagay yung tali sa ulo nya tapos pinatayo lang sya. Lumabas ako ng room para tingnan at pagtawanan. AMP! Sinundan ako sa CR tapos suntok sa tyan... pero di ko pinansin sa sakit ng tyan ko sa kakatawa sa kanya. :bleh:

  5. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,273
    #5
    Hindi naman. Nung elementary and highschool ako may tagasulat ako ng notes, lalo na kapag Home Economics namin :trampoline:. Hindi ko binu-bully yung tagasulat ko ha, friend ko rin yun. In return naman kase pinapa-kopya ko sha sa mga quiz, pag exams naman, kanya kanya na lang ng diskarte, hehehe.

    In terms of away, wala naman nang away sa akin, kse lahat friends ko. :grouphug1:

  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #6
    Wala naman. Takot lang nila! Kasi malakas akong umiyak, yung tipong dinig sa kabilang baryo, hehehe.

    Tsaka yung mga sinasapak ko lang noon ay yung kayang-kaya kong bugbugin at hindi magsusumbong sa teacher.

  7. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #7
    I was bullied in grade school a lot... actually, teased by the big boys... then when I ballooned in Grade Seven, no one bothered to bully me, anymore...

    Ang pagbalik ng comeback...

  8. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    335
    #8
    yup, when i was in college. naculture shock ako..kasi from elem to HS eh all girls tapos nag-coed ako...ayun..yun mga lokong blockmates kong guys eh lagi akong inaasar kasi daw may sundo pa ako lagi eh laki ko na at grade conscious daw ako... ayun..sa inis ko..sinumbong ko sila sa Head ng Guidance!!! my Aunt! hahaha!!!
    after that di na ako ginulo ng mga loko!!!

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    335
    #9
    at nung nagwowork na ako..may colleague ako na binubully lahat ng girls... nung ako ang pinagtripan..ginawa ko sinampal ko sya at sinuntok yun ilong nya. :twak:

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    617
    #10
    never experienced being bullied kasi i was basically bigger (i.e. as in wider) than average especially when i reached high school that i started doing weights.. nakaka-guilty minsan, kasi umiiwas ung iban kasalubong ko at akala siguro nila ay babarugin ko sila hindi lang nila alam that i am gentle as a sheep..

    naalala ko pa nga dati during college, P.E. namin ay basketbol, naka poste ako sa ilalim in defense, extending my arm pero yung forward ng kabilang team (i.e. who is known to snake around defense) dared to break thru... ayun, nag-mistulang clothesline wrestling at angat dalawang paa without me moving my arm.. ako tuloy lumabas na bully pero the truth is, bobo lang talaga ako sa basketbol

  11. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    600
    #11
    I was big for my age throughout grade school so nobody bullied me. It was the opposite case in high school as i didn't grow (vertically) until i was in third year. good thing i was with the "cool" group so nobody wanted to mess with us ... In college, nobody bullied anybody coz everyone was too busy trying to pass the course...

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #12
    nung ako ay nasa 3rd year high schoo (sa public po), mga 5'4 lang ako, kaya madalas akong inaangasan nung isang kaklase ko na siga siga sa school namin, mga 5'6" siya. Nung mag 4th year na ako, bigla akong naging 5''11" , siya di na lumaki, kaya nung minsan kaming mag basketball, sinupalpal ko siya, as in idiniin ko sa mukha niya yung bola, tapos nung poporma nang sasapakin ako, sinigawan ko ng malakas na " O BAKIT HA!!!, yun, pagkatapos nun, di na ako pino pormahan.
    May naalala din ako, medyo OT lang, nakursunadahan ako ng mga lasing na mas matatanda sa akin sa aming lugar. Sigaw kasi ng sigaw, di ko naman pinapansin dahil naglalaro kami ng basketball, mga 17 y.o. na yata ako. Bale dalawa sila, lumapit sa akin yung isa, sinuntok ako sa dibdib, tinawanan ko lang kasi di ko talaga naramdaman dahil maliit lang siya, iyong kasama may hawak palang malaking tipak ng adobe, pinalo niya sa mukha ko yan. Purely by instinct, sinalag ko iyon ng braso, nagulat na lang ako , kasi nabasag lang sa braso ko yung bato as in gasgas lang ang nakita ko sa kamay ko, pero yung isan, nagbunot ng kutsilyo, tumakbo na ako siyempre,delikado na yung tusok eh , hehehe. Kumalat sa lugar namin yung insidente, kaya nabansagan ako ng pangalang "taong bato" sa lugar namin. Hanggang sa lumaki pa ako ng 6'1" at nakapag laro ng varsity sa UAAP, at never na akong kinursunada sa lugar namin. Ako kasi naging pambato sa basketball sa barangay namin, naging protektor ko sa laro yung mga gago sa lugar namin.

  13. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    3,346
    #13
    Quote Originally Posted by niky View Post
    I was bullied in grade school a lot... actually, teased by the big boys... then when I ballooned in Grade Seven, no one bothered to bully me, anymore...
    hahahaha...
    iam3739.com

  14. Join Date
    Dec 2018
    Posts
    7
    #14
    I was bullied in gradeschool. And so were my classmates. The bully would initiate fistfights or humiliate and frighten my classmates. Once, he tried chocking me using his handkerchief. I don't know where he is right now.

  15. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    474
    #15
    Yes I was... But I just ignore them. Kasi I am scared of what I can do to them. But I remember nung HS ako, these group of girls tried to bully me and was like pulling my hair and stuff. I was so pissed off that I end up kicking her tummy.

  16. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    295
    #16
    In grade school, we'd have these funny little gangs and one time, I had a disagreement with one of the "leaders" of the gang. As a result, I was removed from the gang and from the class kickball team.

    In high school, I was also frequently picked on by these two guys. My friends always backed me up then so they weren't really a problem.

  17. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #17
    I was one of the targets of school bullies when I was still in high school. Pero when I joined one of the astig frats in school at nakayanan ko ang hazing na sila mismo ay hindi pumasa, I earned their respect and takot na rin silang gumalaw sa akin dahil resbak ng frat aabutin nila hehehe.

  18. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #18
    naging bully din ako at nabully din...

    sa mga na bully ko,sorry ha. bata pa tayo nun,di pa ako ganun ka mature.

  19. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    2,746
    #19
    Bullies? I'd fight back, kahit ano madampot ko, ipapalo or ihagis ko sa kanila. Patpatin kase ako nung grade school and high school.

    Sent from my SM-G935F using Tapatalk

  20. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,276
    #20
    I do not think I was really bullied excpet for one classmate of mine na apple of the eye ako asarin Grade 1 pa lang.

    Nagsuntukan pa kami nun at isang older classmate namin. Iyak ako ah. Pag-uwi sa bahay nagsumbong ate ko. Aba, ako pa pinagalitan. From that time my father taught me boxing and some judo.

    3rd yr HS na kami uli nag-away nung nambubully sa akin. Tumaba na siya ng husto nun, ako medyo into sports na like basketball and volleyball kaya ayun, bugbog sarado siya. After nun wala na nangaasar sa akin ng parang nang-aaway.

    Tama si Big, fighting and fighting back are two different things.

    Sent from my LG-H990 using Tapatalk
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

Page 1 of 18 1234511 ... LastLast
Were you bullied back in grade school/high school or even college?