Yung mga parang ganito:
Malapit na kasing sumalangit ang pocket radio ng tatay ni commander. Eh nung magpunta kami ng SM Appliance Center puro naman mga tig-Php129.75 na never-heard brand ang stock nila. Mukhang hindi din tatagal (naka-display pa lang mukhang makakalas na yung isa). Saan kaya makakabili ng medyo branded na pocket radio? Wala din sa Automatic Center, hindi na nga nila alam kung ano iyon.
Ang requirements lang po naman ay:
-Reputable brand
-Reasonable price
-At least AM/FM
-Pocket-sized
-Has built in speaker (hindi pwedeng earphones)
-Not so expensive batteries (ok na ang AA or AAA)
Alam ko medyo nalipasan na ng panahon ng mga ganitong gamit kaya medyo mahirap na din hanapin. Pa-post na lang po kung may alam kayong nagbebenta.
Salamat.






.
Reply With Quote