New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 20 of 89
  1. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #1
    Hahahahaha!! Hanep to. Bugbog sarado ung hayop na holdaper na yun. Eto ginawa sa kanya nung isang tambay na galit na galit =

    Hahahahahahahaha suki na daw yun ng kulungan. Hahahaha mga 3 sumusontok tapos may biglang sumingit pinalo ng steel pipe ung ulo nya hahahaha

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,049
    #2
    Hindi ko napanuod ng buo, nadaanan ko lang. Steel pipe pala yun? Home run ba? Toink.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    Nakita ko rin yan sa TV Patrol.

    Bilib ako roon sa babaeng holdap victim. Hinabol nya yung jeep na sinasakyan nung holdaper, hanggang sa makatawag pansin at ma-corner yung jeep. Bugbog sarado yung holdaper. May sumusuntok, may sumisipa, may pumupukpok ng tubo. Yung may hawak ng tubo, tyumempo........umikot, nang makakuha ng puwang, sabay hataw sa ulo ng tubo......TONGK! (langya, dinig na dinig sa TV yung tunog ng tubo nang dumapo sa ulo ng holdaper....ang lutong!) Putok ang ulo nung holdaper.

    He-he-he! Buti nga sa kaniya. Sana mabulok siya sa kulungan.

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #4
    Yung mga ganyan, patapon na talaga ang buhay nyan. Dapat sumama na kay Taning, otherwise may mabibiktima pa yan.

    Times like these, I'm for street justice.

  5. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #5
    Hahahahaha natawa ako nung pagkahampas sa kanya, natumba/napaupo na lang sya eh hahahaha

    "Di po ako lalaban" hahahaha ung isa dun gigil na gigil nag-hook sa mukha then sa tagiliran hahahahaha!!

  6. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #6
    haha kita ko rin, solid yung pukpok, dinaig pa mga kalaban ni pacquiao sa dami ng suntok na tumama sa kanya, di lang sa ulo tumama yung steel pipe, parang de dos pa nga yata ung laki ng pipe, pati sa tagiliran pinalo e, finishing touch nalng yung sa ulo, tama lang yun sa mga kagaya niya na namemerwisyo ng ibang nananahimik na tao, gaya nga ng madalas na saihin ng ibang tsikotees dito na "may araw din sila", dumating na yung sa kanya

  7. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    75
    #7
    wag naman tayo ganyan.. actually kaya din naman may ganyang holdaper sa sobrang desperado na sa kahirapan sa buhay..

    para sa ilan sa atin madali kumita ng pera..pero para sa iba na kumakalam ang sikmura papasukin na lahat at itataya ang buhay para lang malagyan ang sikmura..

    dito sa atin pag wala kang trabaho wala kang welfare fund na makukuha sa gobyerno.. gutom talaga..

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #8
    Parang naririnig ko pa rin yung tunog nung tubo........TONK! (lutong talaga!)

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #9
    Quote Originally Posted by ekimonk View Post
    wag naman tayo ganyan.. actually kaya din naman may ganyang holdaper sa sobrang desperado na sa kahirapan sa buhay..

    para sa ilan sa atin madali kumita ng pera..pero para sa iba na kumakalam ang sikmura papasukin na lahat at itataya ang buhay para lang malagyan ang sikmura..

    dito sa atin pag wala kang trabaho wala kang welfare fund na makukuha sa gobyerno.. gutom talaga..
    IMHO, sana wag lahat iasa natin sa gobyerno, nasa tao din po iyan, dami lang talagang tamad sa atin at inuuna ung bisyo. Mahirap din po kami kaya di po dahilan ung kahirapan para gumawa ng ganyan. Tapos ung hinoldap eh di naman ganon kayaman at alam din naman natin na kung ano mang meron ung hinoldap eh pinaghirapan din nya.

    Peace bro. opinyon ko lang po.

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #10
    Teka......bakit nasisi na naman ang gobyerno rito?

  11. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #11
    Quote Originally Posted by ekimonk View Post
    wag naman tayo ganyan.. actually kaya din naman may ganyang holdaper sa sobrang desperado na sa kahirapan sa buhay..

    para sa ilan sa atin madali kumita ng pera..pero para sa iba na kumakalam ang sikmura papasukin na lahat at itataya ang buhay para lang malagyan ang sikmura..

    dito sa atin pag wala kang trabaho wala kang welfare fund na makukuha sa gobyerno.. gutom talaga..
    being desperate is not an excuse, madaming iba pang mahihirap na tao na mas gutom at kapos palad pa sa kanya pero hindi nagreresort into holdup, snatchingtc. actually madaming kapos palad ang naghihirap magbanat ng buto even those physically challenged para lang mabuhay. look at him not even thin nor looks sickl not to work, tignan mo yung ibang may sakit at payat, kahit magbote dyaryo or mamasura ginagawa nila, yeah its not much but at least its decent and hindi nangtthreat ng buhay ng ibang tao.

  12. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    75
    #12
    well kung may kasalanan man yan at holdaper nga dapat idaan sa due process.

    di naman tama na porke holdaper e pwede nang makibugbog at makipalo ng tubo sa ulo nyan..

    meron kase ibang tao pag nakakita ng holdaper ang nasa isip libre na ang sumuntok at pumalo sa holdaper.. pero may karapatan pa din yan..

    ang problema lang kase yung mga nahoholdap e di tumutuloy sa reklamo nila.. ang problema dyan yung justice system natin matagal.. now it all boils down to the politicians.. sila ang may kasalanan kung bakit may ganyang mga holdaper..

    ---

    saka isa pa merong mga ganyan na minsan may sakit talaga sa pag iisip.. dati nakakita ako ng snatcher na mataba.. hinabol nung mga tao pero ambagal tumakbo di rin nakalayo..it turns out medyo may dipirensya pala sa pag iisip yun at parang autistic ata..

    pano kung nagkaron kayo ng anak na autistic at nang agaw ng cellphone ng iba, at nagulpi ng mga tao.. gusto nyo ba yun?

  13. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    220
    #13
    Dame palang bayolenteng member dito sa Tsikot hehehe!

  14. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #14

    In the first place, kung autistic ang anak mo bakit mo naman pababayaan makalayo sayo or walang bantay? Irresponsible na ang dapat itawag sa mga magulang nun.

  15. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #15
    Quote Originally Posted by Babnoy View Post
    Dame palang bayolenteng member dito sa Tsikot hehehe!

    Natural na reaksiyon lang yan Sir.

  16. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #16
    Quote Originally Posted by ekimonk View Post
    wag naman tayo ganyan.. actually kaya din naman may ganyang holdaper sa sobrang desperado na sa kahirapan sa buhay..

    para sa ilan sa atin madali kumita ng pera..pero para sa iba na kumakalam ang sikmura papasukin na lahat at itataya ang buhay para lang malagyan ang sikmura..

    dito sa atin pag wala kang trabaho wala kang welfare fund na makukuha sa gobyerno.. gutom talaga..
    You gotta be kidding me. Dami daming tao sa labas na walang trabaho bakit hindi nanghoholdup.

    And kung wala silang trabaho, ano naman ngayon? Kasalanan nila yun. Puro sila reklamo, they don't want to make themselves better to get a JOB. Marunong sila gumawa ng mga anak, or ng crime, tapos lakas ng loob magmakaawa pag ginugulpi na.

    Dapat lang naman talaga na wag magreklamo sa gov't. Dahil wala ka naman makikitang country na bibigyan ka ng stable na job, depende pa din sayo yun kung masipag ka. In case of those criminals, mahirap na nagrereklamo pa and nambibiktima pa from mahirap to mayaman. At ano ba ang karapatan nyang tusukin ung babae na hinoldup nya ng balisong (nabutas pa ung shirt).

  17. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #17
    sa ganitong pagkakataon natuwa ako sa nangyari sa holdaper. kawawa nabibiktima nila. pati babae pinapatay pag pumalag. naalala ko sa shaw binaril yung call center agent na babae ng pumalag ng kunin cp nya. siguro pag kamaganak or kakilala na natin (kahit nga hindi e) e mangigigil ka talaga. ako inaamin ko pag nakakatyempo ng holdaper at magnanakaw or kahit anong masamang loob pinapatulan ko talaga.

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #18
    hahaha. ayan nanaman. gobyerno nanaman lagi ang nasisisi....

    karamihan sa mga holdaper na yan pabalik-balik na sa kulungan. sanay na yan don, kaya kelangan diyan street justice na. hehehe. baka nga pagbalik niyan sa kulungan siya pa mayores eh. hehehe

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #19
    Ang galing naman nung camera man at nakunan pa on the spot ng video? Or meron by stander na nagtake nung video?

  20. #20

    kasi yan yung mga taong TAMAD!! gusto PERA ura MISMO!

    buti nga sayo, wala kasing ibang alam na pagkakakitaan..marami namang MATINO na pagkakikitaan a...

Page 1 of 5 12345 LastLast
Holdaper Kinuyog sa Quezon Ave.