first, nag spray yung 4yo ko sa hair nya ng X1R na lubricant (parang WD40). akala nya siguro hair spray. akala ko nagbasa lang sya ng buhok, mamayang konti, dala dala na nya yung X1R, tapos tsaka ko lang inamoy yung buhok!
then habang pinapaliguan ng wife ko yung panganay para maalis yung lubricant, ito namang bunso ko (2yo) takbo ng takbo, umiikot sa TV rack. sa side sya lagi nakatingin, ayun, pagharap nya, BLAG!!, sapul yung face nya sa corner ng rack! buti nalang nalagyan ko ng mga corner protectors yun, kundi ang laking sugat siguro. medyo nagka 'black eye' lang naman sa pisngi si bunso.
so syempre bubuhatin ko si bunso para patahanin sa pagiyak, bigla ba naman ako inihian. basa tuloy ako ng weewee from my tshirt to my shorts and my brief!![]()




