New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 35
  1. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,140
    #1
    Ako ay Pilipino, taas noo kahit kanino.. Ano ba
    talaga ang pinoy? Kung iisipin mong mabuti:
    ang pinoy ay isang halo-halo na tao. May kaunting Aeta,
    kaunting Chinese, kaunting Kastila, etc. etc.

    Ang problema sa pinoy ay mayroong tinatawag na "Class RACISM".
    Hinihiwalay ang tao sa A, B, C or D. Bato bato sa langit, tamaan huwag magalit.

    Ang Class A ay yung mga lumang yaman. Mga apelyido nila ay Ayala, Zobel, Lopez, Soriano.
    Nakapasok rin dito ang mga bagong yamang "chinese"
    tulad nina Concepcion, Tan, Gokongwei, Cojuangco.
    Hindi yan nagkokotse (natatakot na makidnap). Naka
    helicopter yan papunta sa opisina. Kung nakakotse
    (Range Rover o S class na Chedeng o BMW 7 series) atmay bodyguard na kasama.
    > >>
    Ang mga damit niyan ay mamahalin pero walang tatak na kilala ng karaniwang
    FTR Tao dahil sa Europa lang nabibili. Hindi na nila kailangang magyabang ng damit
    dahil alam na ng tao na mayaman sila. Ang mga anak
    nila ay nagaaral sa mamahaling eskwelahan sa Tate o
    UK.
    Ang problema lang sa mga ito ay kahit tinatawag nila
    ang sarili na Pinoy, ang mga TAI PAN ay hindi
    pumapayag na mag-asawa ang mga anak nila sa hindi
    kapwa mayamang Chinese.
    > >>
    Maraming mga T.H. na gustong sumama dito,karaniwan ay
    mga pulitiko, crony, artista, ibang balikbayan (na
    dahil galing lang Tate ay akala mo na kung
    sino,burgis. Mga class B lang ang mga yan kahit na may
    pera.)
    > >>
    Mahilig ang Class B sa mga damit na mamahalin at may
    pangalan na nakatatak sa malalaking letra tulad ng
    POLO o di kaya ay DKNY o yung maliit na buhaya sa
    dibdib. Ang gusto nila sa sapatos ay yung may pangalan
    din tulad ng GUCCI, FERRAGAMO o COLE-HAAN.
    > >>
    > >> Mahilig silang maglakad na may nakakabit na high
    tech at maliliit na telepono sa sinturon para masabing
    importante daw sila o may kaya sila.
    > >> Mahilig gumimick ang mga class B dahil hindi sila
    natatakot lumabas at makidnap. Makikita ang mga yan sa
    the FORT o di kaya sa Libis sa magagara nilang
    sasakyan na galing sa Hapon o Alemanya.
    > >>
    Mahilig sila sa kape na napakamahal. Hindi uubra diyan
    ang Great Taste o Nescafe, dapat STARBUCKS o di kaya
    SEATTLE'S BEST. Karaniwan ay ang mga anak nila ay nasa
    tinatawag na "exclusive schools", kung bakit ganyan
    ang
    tawag ay hindi ko alam. Exclusive kanino-sa may pera
    siyempre. TAG Heuer ang relos na pinipili nito, Kung
    mas may kaya ay Rolex,, Patek Phillipe or Cartier.
    Mahilig ang mga yan na magsalita ng ingles, kahit
    kausap nila ang tindera sa Shoemart (kung magpapakita
    sila na pumupunta sila sa loob ng tindahan na ito na
    para sa Class C).
    > >>
    Ang Class C ay ang mga karaniwang tao, hindi naman
    squatter pero hindi kayang mag-aksaya ng pera sa mga
    katarantaduhan tulad ng cerveza na imported, telepono
    na nadadala (cell phone ika nga), damit na may tatak.
    Maswerte na ang C kung may kotse sila, minsan
    akakabili ng gamit na gawang Hapon o kung may tulong
    galing sa
    isang kamag-anak sa Tate ay bagong gawang Hapon na
    kotse. Hindi kaya ng C ang kotseng galing Europa o
    yung mga tinatawag na SUV.
    > >>
    Ang mga damit naming may pangalan ay galing sa
    divisoria (i.e., PEKE) at Tiangge ng Greenhills at
    hindi sa Makati o Hong Kong. Mahilig rin gumimick ang
    mga taga C, pa sine-sine, manood ng concert,kumain sa
    Jolibee sa Mcdo, pumunta sa beerhouse. Masyadong
    mahal yung mga d FORT para sa kanya.
    Timex, Casio, Seiko ang kayang bilhin na
    relos.Kabilang
    ng malaking bahagi ng Class C ay yung mga sumusuweldo
    na tanggal na agad yung kanilang mga buwis
    o'witholding tax - na siya namang pinag-pipiyestahan
    ng mga ganid na mambabatas daw sa Kongreso at Senado.
    Di ba daylight robbery' ang tawag dito? Maraming C
    gustong maging B. Hindi na nila inaasam na maging A
    dahil alam nilang imposible ito (kahit manalo sa
    lotto).
    > >>
    Ang pinakamalaki ay ang Class D. Dito nangampanya si
    ERAP nung eleksyon kaya nanalo. Yan ay si Juan dela
    Cruz sa kalye na isang kahig isang tuka.
    Sila ang naaapi, at mas lalong nahihirapan dahil sa
    systema ng gobyerno natin na "patronage system". Kahit
    sumigaw tayo hanggang mapaos ay walang mangyayari sa
    gobyerno natin. Masyadong nasisilaw sa pera ang tao,
    kahit maganda ang intensyon niya sa pagpasok sa
    Gobyerno. Hindi ko masasabi na hindi rin ako magbabago
    kung naging senador o congressman ako (panaginip).
    > >>
    Ano ang solusyon?--- Hindi ko alam. Ang magagawa
    ko lang ay ang pagrespeto sa lahat ng tao kesa A, B,
    C o D ka. Wala akong pakialam kung anak ka ng
    senador na nagaaral sa Ateneo o batang kalye. Respeto
    lang sa
    isa't isa kababayan. Wala nang patawag tawag na
    "baduy" ang isang tao o "walang class".
    > >>
    Ano rin ang moral lesson ? Huwag nang magpaka-trying
    hard sa pag-a-attempt na maka-angat ka ng class level.
    > Hindi mo kailangang mag-pa-impress kahit kanino .
    Ma-o-obvious ka lang at chipipay pa ng dating mo ..
    > >>
    Hindi makukuha ang kaligayahan depende sa impresyon ng
    society sa yo.
    Magpaka-simple ka at kung sa'n ka masaya du'n ka ....
    yang mga tunay na kaibigan mo - yan ang yaman mo -
    higit sa lahat , yung relasyon mo sa nasa ITAAS ...
    yan ang pinaka-importante ... :angel3:

  2. FrankDrebin Guest
    #2
    Hindi lang "Class RACISM" pati na rin ang "regional racism". ;)

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #3
    Quote Originally Posted by FrankDrebin
    Hindi lang "Class RACISM" pati na rin ang "regional racism". ;)
    yep di ko nga maintindihan kung bat pinagtatawana natin ang mga may visayan accent. eh sa UK nga ok lang kung iba-iba accent nila. they're proud that they sound different.

  4. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #4
    Ang sagot diyan ay...

    Rebolusyon! Dapat mag-aklas ang mga C at D laban sa mapang aping A at B.

    Hehehe.

    Joke lang.

  5. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #5
    kahit saang bansa naman may Class Racism, kasi kung wala, wala ring magtatagumpay na businesses coz they need to identify their target market

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #6
    pwede bang pantay pantay na lang lahat...

    Walang mayaman at mahirap...

    Nanaginip ata ako nang gising :confused:

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #7
    sa akin walang class class...pareho pareho lang naman tayo kapag tinanggalan ng ari-arian...parang di yata maganda pakinggan

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #8
    meron pala nun Class A,B,C,D sa Pilipinas. Akala ko ang classes sa bansa natin eh elementary, Highschool, College at Post Graduate. Kung baga elementary graduate lang sya. Highschool graduate lang sya at kung papalarin eh College Grad sya at kung talagang masipag e Post Grad pa

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #9
    OT:

    jim di kaya magkasama tayo sa ropor nyan

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #10
    Quote Originally Posted by chieffy
    OT:

    jim di kaya magkasama tayo sa ropor nyan
    chieffy no comment

Page 1 of 4 1234 LastLast
Anong Class Ka?