New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 16
  1. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    156
    #1
    Share ko po muna experience ko. Nung nagbakasyon kami ng bandang june, lumuwas kami ng manila noon para may asikasuhin habang pauwi na kami ng bataan sinita kami ng gagong tmg kasi red na raw yung traffic light dineretso ko pa. Samantalang sa tingin ko nasa 100 meters yata ang layo nya sa traffic light (nagtatago) at ang isa pa nakatalikod sa kanya ang traffic light. Pero ang totoo nun green p nung sumapit ako sa guhit mismo ng intersection then saka nag amber ang kulay ng traffic light. Hayun beating the red light daw at 400 ang tubos ng license. Katwiran ko sa kanya amber pa naman ang ilaw at saka nasa guhit na ako baka pagnamereno ako sa gitna na ako huminto. Sabi ba naman sa akin wala na raw warning warning. Kesa sa tubusin ko pa sa makati lisensiya ko inabutan ko na lang ng 100 petot paalis na kasi uli kami nun kaya hindi na maasikaso. Ganyan na ba sa atin ngayon wala ng warning? Sana pala alisin na lang ang amber light sa traffic light di ba?
    Isa pa pong katanungan 123 ang restriction code ng license ko pero ang ang tsikot ko matic covered na po ba yun ng license ko. Nakalagay kasi sa likod 4 dapat kung matic ang idadrive. Dito kasi sa Bermuda covered na siya kung pasado ka sa manual. Kaya lagi ko ring dala bermuda license ko at xerox ng passport para kung sitahin man nila license ko merong ipapakita.
    Sana po masagot salamat po na marami.

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #2
    Nabiktima ka lang ng isang Crocodile Dundee, sir. May warning pa i.e. in effect pa yung amber light. Ganyan ang marami sa mga traffic enforcers. Ilang beses na ako nadali nyan sa Ortigas dati. Inabutan ako ng yellow sa gitna kasi either ang traffic or nasa gitna na ako ng left turn towards Aguinaldo. Ang kinakatwiran sa akin dapat daw eh hinde na ako dumiretso. Ang nakatawa sa mga yun, eh sila madalas yung nagpadiretso sa akin. Binibigay ko ba lisensya ko? Hinde kadalasan. Sinasabi ko muna na bago nila ako hulihin, abay dapat hulihin din nila yung mga kasabay ko. Ayun, usually tumitigil.

    Pero pag hinde ka pa nakakatawid at nakita mo na yung amber light, wag ka na dumiretso. Hulihin ka talaga at dapat nag-slowdown ka na when you see the yellow light. Pero IMO, ibang usapan yung sa gita ka inabutan at accuse ka ng beating the read light.

    OT:

    I was on the road kahapon on field assignment, dala yung van nung company. Pag-dating dun sa may MRT North at may hinatid akong guest sa Valenzuela, abay may biglang pumarang MMDA sa akin (note: ang init init eh naka jacket, he he he). Abay sinabing colorumn daw ako. Ang sabi ko eto: "Pwede po na palang i-colorumn yung mga sasakyang kagaya ng plaka ko?". Biglang baba mokong, sabay tingin sa plaka nung sasakyang dala ko. Napahiya ang Crocodile Dundee: blue plate ang sasakyan sa opis eh, he he he. Talk about being an hedyot. Hirap kasi sa mga yan kadalasan, pagnakikita ng van na tinted tapos may antennae ng VHF radio, isip nila agad eh colorumn na. May ilang beses na rin kaming napara ng mga yan when my family and I (with my mom, sis and her family) go take a nice ride on my nanay's L300. Colorumn daw kami. There was this one time na pinababa kami. Sa galit ng asawa ko, ang ginawa nya eh nilitanya nya yung brief bio naming lahat. Tapos sabay tanong nya dun sa MMD: "Ano pa gusto mong malaman?!" Ayun, pahiya ahahaha!
    Last edited by nicolodeon; August 25th, 2007 at 09:21 AM.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,744
    #3
    What if the light is still green but the traffic ahead of you is very heavy and not moving, and you estimate that you will get caught in the middle of the intersection when the light turns red... can the LTO charge you with obstruction of traffic if you choose not to move forward?

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    2,244
    #4
    Kelangan din kasi na kapag approaching ka sa intersection ready to stop ka dahil kapag inabutan ka ng red light or yellow light huhulihin ka talaga. Ang lesson dyan kapag pwede mong takbuhan huwag ka huminto.

  5. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    156
    #5
    Yan ang hirap sa atin e daming nagkalat ng mga buwaya sa daan.
    Ok po ang payo nyo sir LARSHELL kaya lang ang sama nun kung abutan tayo sa traffic. Mabilis pa naman ding tumakbo yung mga buwaya

  6. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #6
    Dami talagang buwaya. My rule of thumb is -- know the rules -- if you're in the right, do not compromise. Usually, itong mga buwaya alam naman din nila talaga ang bawal at hindi eh.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #7
    nahuli na din kami ng barkada ko nyan e, papuntang rockwell, inabutan kami ng yellow sa gitna ng intersection, magaang nman ung trapik at green pa nung tumawid kami....sabi lang ng barkada ko, "pag huminto ako sa gitna, kakasuhan mo ko obstruction, pag tumuloy ako beating the red light, pero green pa ung ilaw nung tumawid kami, ano gusto mong gawin ko?" kahuli hulihan, warning lang naibigay nya sa barkada ko hehehe

  8. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    156
    #8
    Ayos nakapulot din ng mga technique. Salamat po sa mga replies

  9. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #9
    OT: bro lhandzs umuwi kapala?

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,152
    #10
    nahuli na din ako dati papuntang rockwell, sinabi ko im form tarlac pa etc etc, tapos amicable settlement, mabait naman yung pulis indi sugapa, kaya winarningan lng ako=)

Page 1 of 2 12 LastLast
Wala na raw warning, totoo ba to?