guys, may alam ba kayo kung saan makakabili ng
foam na pwedeng ibalot sa crib ng baby namin?
mga 1 inch siguro ang kapal, 2 to 3 feet ang lapad
at around 10 feet ang haba? dito sa may alabang-
muntinlupa area. magkano kaya?
ang likot na kasi ni baby at paminsan-minsan
nauuntog siya sa crib niya na gawa sa kahoy.
lara, sa Uratex. Pwede kang magpasadya ng foam. Nagpapasadya ako dun. Yung price eh depende sa size ng tabas mo na gusto. AFAIK, ang available foams nila eh from half-an-inch thick to six inches.
laracroft, may Uratex dyan sa Muntinlupa ah. Sa.......may South Superhiway. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Km. 23 sya - dun sa may service road. Nakikita ko yan eh pag nagpupunta akong Las Pinas.
may uratex sa east service road ng slex ( right side going to makati, a couple of kilometers from alabang ) The gate of their compound is usually closed, but bumusina ka lang and the guard will open up and let you park inside.