mahirap sa mga may pamilya ang trabaho na ito, walang iniwan din ito sa pagpunta sa abroad. kung nagtatrabaho ang babae sa gabi at ang lalake ay sa araw, e malabo talagang magkaroon ng magandang time sa isa't-isa lalo na pag may anak. yong misis ko kaya lang naman nagta-trabaho ngayon sa call center ay dahil naiinip naman dito sa bahay dahil wala pa kaming anak, pero once na mabuntis yon, walang tanong-tanong na resign sya agad. sa totoo lang dahil nagpalit na naman sya ng shift 8pm-5am. 3 days na kaming di nagkikita, pag dating nya, wala na ako.. pag dating ko, wala na sya... ... hay buhay.... kaya nga minamadali ko na rin ang office namin sa alabang, magpapa-sked ako ng pang-gabi din...