New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 50

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #1
    pansin kolang, madaming tao nagsasabi na nagdaan din sila sa kahirapan pero nakapagsurvive din sa katagalan.ang tanong ko e pano ba nasusukat ang kahirapan na sinasabi?katulad din ba ng paghihirap na dinanas ng 12yr old na bata na nagpakamatay na halos wala ng makain? at panong yong mga nagsasabi na nagdaan din sa kahirapan pero nakaahon padin kung gaano kahirap buhay nila noon?

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Palagay ko yung sa 12 yr. old girl na taga-Davao eh, very extreme yung kalagayan nila. Na halos di na maipadala sa school yung mga anak nila.

    Kami ng kapatid ko (2 kami), product din kami ng kahirapan. My father is a gov't. employee lang noon, at kay liit ng suweldo. Grabe! Nu'ng maliliit pa kami, pag ang neighbor namin, may TV at ref, considered as "mayaman na" sa amin noon.

    We're a product of public schools din, pero kahit papa'no, naitaguyod kami ng aking father para makatapos ng pag-aaral. Di ko na ikukwento lahat. Baka maiyak pa kayo. He-he! Basta, pag kinukwento ko ngayon yung hirap namin noon, mga kids ko, di makapaniwala.
    Last edited by chua_riwap; November 11th, 2007 at 03:53 AM.

  3. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    3,949
    #3
    Hi sir vtec, ang family namin naranasan na kumain ng tuyo at kanin lang sa araw-araw para maka-survive. Ako dinanas ko ang magmasa ng tinapay para me pera ang pamilya namin nung binata pa ako para matustusan ang gastusin at pangangailangan. Naranasan ko rin ang huminto ng isang semester sa college para mapagbigyan ang 3 kong kapatid na maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral dahil hindi kasya ang budget. Ito ang mga karanasan ko at basehan para sabihin ko na nagdaan ako sa hirap. And I'm relating this seriously. I'm proud of those days. It helped me become a better person and and is a big factor to whatever successes and status I have now.

    Our family survived those dark days.

    Pero siguro mas magandang pagusapan ang life story ko over a few bottles of beer para mas detalyado. Pwedeng pang "Maalaala Mo Kaya", hehehe.

  4. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #4
    *chua_riwap & doc ooba99 parang pwede isali sa home building episode yan ha he he

    seriously, sa nabasa ko, ang kaibahan lang e, yong mga parents nyo may stable source of income and that makes the difference kaya andyan kayo ngayon sa tuktok ng career nyo.so kahit anong mangyari, meron at meron kayong masasandalan.i mean since me trabaho ang mga parents, madami nadin connections yan kahit papano na pwedeng gamitin (like pag magloloan e me magco-comaker something like that ba).yon ang kaibahan sa case nong family ng batang nagpakamatay, sabi nga ni bro chua_riwap e extreme na yong case nila.gustuhin man nilang mangutang para pampaaral alang maglalakasloob na gumarantya sa kanila.

    so suma tutal, depende padin sa degree ng kahirapan para mag survive ang tao.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #5
    Pero napansin ko........ Sa dami ng bumasa sa thread mo Bro Vtec, kami lang ata ni Ooba99 ang nanggaling sa kahirapan.

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    457
    #6
    ako dumadaan sa kahirapan ngayon :shark: sakloloooooo

  7. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #7
    We can never really know what drove that young girl to end her life, the reasons are probably buried with her already.

    I mean, everybody goes through some form of hardship. But this is very subjective - those with well-off families may consider losing a fair amount of money as a small amount of hardship that they have to get past, while on the other hand a poor family that loses the same amount of money can be in debt their whole life.

    Consequently, psychological reasons also exist. The way your parents treat you is another matter, as well as the way your siblings do. Kahit well off yung family, if the parents prefer one sibling over the other, then that's another form of hardship.

    Finally, location is another one. If your place if full of crime, you'll have to fight it daily to get to wherever you have to go. Some have probably experienced this on a moderate level but have survived, others are not so lucky.

    So there are many ways one can say naghirap sila.

  8. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #8
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Pero napansin ko........ Sa dami ng bumasa sa thread mo Bro Vtec, kami lang ata ni Ooba99 ang nanggaling sa kahirapan.
    he he he he he he, kasuswerte ng mga pinanganak with silver spoon.


    yan ang problema sa mga tao.pag yong tao alam mo na talagang cant afford, iba na tingin kesyo di na katiwa tiwala ang pagkatao etc etc which is so degrading talaga sa part ng mahirap.just take a look sa case ni bro chua , since ala sila tv nong time nayon, ganon ganon nalang kung itaboy.so wala kanang magagawa padon kundi magself pity nalang and mangarap na sana makaahon sa kahirapan.though sometimes me drive kang umasenso kung talagang wala kang ibubuga ang kakahinatnan mo pobre kapadin.

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #9
    Yung erpat at ermat ko noon, hindi naman ganun kahirap, pero dumanas din sila ng period ng paghihikahos. Paboritong kuwento ng erpat ko na nung binata pa siya, he had to take on odd jobs to pursue his college studies. Nagtrabaho pa nga daw siya as a carpenter dun sa ginagawang bahay ni Chiquito sa Makati. Yung lolo ko kasi, simpleng mangingisda lang (may maliit na fishpond sila sa Lingayen) samantalang housewife lang yung lola ko, and they had 9 children, erpat ko ang eldest. Awa ng Diyos, lahat nakatapos at ok na kalagayan ngayon. Kaya lang naman daw siya nakaahon sa hirap kasi nag-OFW siya for over 8 years (Sr. Civil Engineer sa Middle East).

  10. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    3,949
    #10
    Like I said, maraming details ang wala sa post ko. Summary lang yon. The circumstances kung bakit naging ganun ang sitwasyon at ano pa ang susunod na pangyayari, ayoko ng i-post dito at baka kayo maiyak, hehehe. Basahin nyo na lang ang autobiography ko kung maisusulat ko ito. Basta ang itinaga ko na lang sa bato, eh, di ito mangyayari sa aking pamilya ngayon. Actually, not too many people know this. I was just inspired to write it by your thread question. But those who do know our past, they are amazed by how we survived and become what we (me and my siblings) are now. Nagpapasalamat lang ako sa Diyos for giving us the talent, the intelligence and the resilience to "survive".

    On the case of that kid from Davao who committed suicide, I think it's not poverty itself but rather, the community environment that finally pushed that girl to commit it, IMO. From my understanding of what I have read, they are scorned upon by the community and are considered outcasts by their own neighbors. Of course, you and the others may have different opinion on what pushed that girl to hang herself. But I think, it's not poverty per se.

    There are other kids from families much poorer than they are, who may be thinking also of commiting suicide out of desperation but they find an ally or refuge in the community they are in. Accepted sila ng neighborhood kasi pare-pareho silang mahihirap at pareho ang situation. Sa community na ganito, malakas ang support structure kaya nagiging matatag at resilient sila. At walang magpapakamatay.

    Well, talagang ganyan ang buhay. It ends with death. And death has many forms. And i sincerely condole with the family and pray sincerely for the girl to have eternal peace.

  11. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,488
    #11
    Ang parents ko madalas sabihin na maswerte daw kami dahil noong araw eh hindi daw nila narasan ang buhay na nararanasan namin ngayon. Kasi daw noon nga sa public lang sila nag aaral at nilalakad lang ang school. Ang meryenda nila bananaque or turon lang masaya na sila.Naiipon pa nila ang singkong baon.Ang mga laruan nila improvised lang na papel or dahon pero madalas mga pinoy na laro, taguan, patintero, etc..Nag aaral na eh gumagawa pa ng gawaing bahay dahil hindi naman uso ang househelp noon.

    Nagsikap naman sila mapag aral ng mga magulang nila, kaya nung nakatapos eh nakahanap naman ng maganda trabaho kaya ngayon eh maganda na buhay nila. Ang madalas din nila sabihin na dapat daw ang mabigay naming buhay sa mga anak namin eh higit pa sa naibigay nila samin..

  12. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #12
    Honesty, no. Lower-middle class oo -- pero those were my happiest days. My parents and family, especially my mom, were almost always home. Madalas kami mag-lakwatsa kahit simple lang -- camping out, lunch excursions, etc. It helps na nasa province kami na madaming libre. Key talaga ang education sa pag-unlad in an individual sense. It's such a shame that it takes so much sacrifice to provide a decent one though. Minsan naiisip ko pag medyo hikahos ka at nag-iisa, maganda maging sidekick ng madre o owner ng school kasi puwede kang makiusap na pag-aralin ka ng libre.

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    315
    #13
    Quote Originally Posted by BlueGirl View Post
    Ang parents ko madalas sabihin na maswerte daw kami dahil noong araw eh hindi daw nila narasan ang buhay na nararanasan namin ngayon. Kasi daw noon nga sa public lang sila nag aaral at nilalakad lang ang school. Ang meryenda nila bananaque or turon lang masaya na sila.Naiipon pa nila ang singkong baon.Ang mga laruan nila improvised lang na papel or dahon pero madalas mga pinoy na laro, taguan, patintero, etc..Nag aaral na eh gumagawa pa ng gawaing bahay dahil hindi naman uso ang househelp noon.

    Nagsikap naman sila mapag aral ng mga magulang nila, kaya nung nakatapos eh nakahanap naman ng maganda trabaho kaya ngayon eh maganda na buhay nila. Ang madalas din nila sabihin na dapat daw ang mabigay naming buhay sa mga anak namin eh higit pa sa naibigay nila samin..
    Agree 100%. You just said everything I wanted to say

    I can never lay a claim na dumaan ako sa kahirapan like my parents. They worked hard for what they have now, and to give me and my siblings a good life and a better start in life than most. I can never repay them, so I will just do the same, or even better, for my children. Hopefully soon

  14. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,047
    #14
    ako mahirap pa rin.

  15. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #15

    Many of the kids would not accept that they're poor....

    Naalala ko tuloy, I was in elementary grade in a public school.... Tanong ng titser namin,- itaas ang kamay ng mga mayayaman,- isa o dalawa lang.... Itaas ang kamay ng mga mahihirap,- wala.... Itaas ang kamay ng mga middle class,- lahat taas ang kamay... pero lower middle class lang daw (kasama ako rito)....

    4403:matrix:


  16. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    276
    #16
    kapag naging squater ka.

  17. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    500
    #17
    Mahirap magsama-sama mga mahihirap dito at baka mauwi sa laslasan!

    Hahaha... Heto kwento ko:

    Nagdaan din sa hirap ang pamilya namin. Si erpats, goverment employee lang. Kaya baon ko sakto pamasahe, pag kumain ako ng recess, sigurado lakad ako pauwi. Style ko rin mag-antu-antukan sa bus at jeepney para di ako singilin.

    Laking public school din ako. Uniporme ko, 2 polo at 2 slacks, isang balat. Kaya laba agad pag-uwi. Alternate.

    Sa College, Fine Arts course ko. Anak ng, walang pambili ng mga gamit, ang mamahal! Kaya kelangan mag-trabaho sa Jollibee at kung ano-ano pang mapagkakakitaan: charcoal portrait anyone?

    Parang piyesta sa bahay kapag nakakapag-uuwi ako ng 2pcs na chickenjoy na binili ko (after the store closes, they sell it cheaper to us employees, SD yun. Salaray deduct.), siyempre hati lahat 5 members ng family.

    Kung walang pagkain, instant mami plus kaning lamig. Masuwerte na kung malagyan ng itlog yung mami. May tanim si ermats ng talbos ng kamote sa bahay, ako kukuha at ipapatong lang sa ibabaw ng kanin na niluluto at presto, ulam na. Pati sayote, pag tumubo sa bakod, tuwang-tuwa na kami.

    Siyempre wala kaming Betamax, Atari, aircon at kung ano-ano pa nuon. TV na bulok at gumagana naman, electric fan na bakal (bago pa naging plastic ngayon) at para makatipid sa kuryente: pamaypay ka bago matulog. Basta mga luma gamit sa bahay. Nangungupahan lang kami.

    Awa ng diyos, nagkaroon kami ng sariling bahay at lupa. Lahat kami nakapagtapos.

    Hay, ngayon problema ng mga kabataan: magkaroon ng boypren at gelpren, parking slots, load ng celfone, latest na celfone, at iPod na bago. Isama mo na rin computer.

    Ang babaw.

Ano ba basehan para masabi mo na nagdaan ka din sa kahirapan?