New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 33
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #1
    i heard madali daw pumasok ngayon doon. pano ba ang step by step process? dapat ba mag agency ako? at mga magkano gagastusin ko?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    pare, apply ka sa agency, mas may guidance dun since walang direchong embassy dito ang new zealand, and consulate lang sya. . gaya ng sabi ko sa mpc, tanong mo kay haydz.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #3
    salamat.


    any estimate kung mga magkano magagastos ko?

    saka madali ba mabuhay dun?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #4
    Originally posted by fierari
    salamat.


    any estimate kung mga magkano magagastos ko?

    saka madali ba mabuhay dun?

    madali kung sa madali..."lungkot" ang kalaban mo dun...
    dati may kilala ako parang recruitment ..hanapin ko
    pa yung site...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    848
    #5
    pakitimbrehan din ako ha..

    lungkot?.. sus.. daming golf course dun.. eheh.e nde ako malulungkot dun...hehehe

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #6
    Originally posted by ozcity
    madali kung sa madali..."lungkot" ang kalaban mo dun...
    dati may kilala ako parang recruitment ..hanapin ko
    pa yung site...




    basta may perang pambili ng subaru impreza pede na heheh


    antayin ko pre


    salamat

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #7
    ahhaha baka hindi lang scooby mabili mo..heheheh
    gudluck mga pre ..eto na yung site...


    http://www.richlytravel.com/immigrate.html

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2
    #8
    fafa,

    aalis ka na???

    pano na yung mga maiiwan mo???

    huhuhu...

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #9
    my wife's cousin has been inviting us to immigrate there.

    I've thinking about it, parang gusto ko din.

    Parang wala kasing mangyayari dito sa Pinas.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    335
    #10
    hoy fierari tatakasan mo lang mga babae mong winalangya at binuntis dito e.. :lol:

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    526
    #11
    walang embassy dito ang embassy ng new zealand sa thailand pa.

    Madali kumuha ng Tourist Visa but kung immigration visa ang apply mo dyan ka mahihirapan. Dahil mga 1 year sila bago mag apply. Pero kung may relative ka dun you increase your chances.

    May consulate tayo dun sa BPI building near pacific star sa may makati ave. Medyo habaan mo pasensya mo sa mga tao dun parang mga tamad kausap and suplado pa. Pero sinagot ko yung isa dun akala siguro probinsyano akong tanga.

    Di mo na kailangan mag agency ang purpose lang naman ng agency para convenience on your part. Pero kung wala ka ng time kuha ka. DI ko matandaan ang gagastosin sa visa nung 2001 pa ko nag apply and qualified dependent ako sa parents.

    Pero di rin ako sumama kina erpat n ermat nung pumunta sila sa new zealand.

    Tama mag migrate ka walang mangyayari sa walang kwentang bansa na ito

  12. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #12
    ganda ata dun ah nature tas extreme sports huuuu... the best ata pre mahirap lang aga matulog ng mga tao hahaha

  13. Join Date
    Jun 2003
    Posts
    1,121
    #13
    AFAIK point system ang new zealand , just like canada and australia
    mas mababa lang nga ang points na kailangan mo for new zealand since its still an open country.

    mas maganda ganito ang gawin mo just like what my brother did
    ... apply ka tourist visa
    then pa extend mo pag nandun ka na
    then hanap ka work...part time
    pag nagustuhan ka ng employer mo sponsor ka nya for working visa

    then after a while you can apply for your immigrant status

    mas qualified ka na since dagdag points ang work.
    depende sayo yan or gusto mo apply ka as immigrant derecho

    marami kasing qualifications na pwede mong pasukan e (search ka na lang sa net saan makakakuha ng kit for application)
    may mga bracket kasi sya
    ex. pwede ka sa skilled worker kahit d ka college grad.
    pwede kang professional
    pwedeng masters degree holder
    pwedeng investor etc. lahat yan may kanya kanyang point system me mga sasagutan ka sa application kit nila... its up to you to choose kung saan pakiramdam mo mas makakakuha ka ng mas maraming points
    (sometimes pati sa school lang na pinasukan mo ay points na rin (like pag mapua, dlsu, ust, etc ka added 5 or 10 points nakasulat naman dun ang mga school and its equivalent na points )

    good luck

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #14
    salamat sa mga reply.

    ang balita ko nga eh ang passing dun eh 30 points kumapara sa canada na 75. nawawalan na nga ako ng pag asa dyan sa canada nag apply din ako last May ang bagal ng proseso.

    isang araw eh dadalaw ako sa consul nila para matignan ko ang requirements.

  15. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    322
    #15
    visit this pre, www.immigration.govt.nz

    29 points ang passing mark. nag assess ako....di ako pasado

    need to find an employer na mag sponsor sa akin para sure na pasado.
    Last edited by prinsipe; September 10th, 2003 at 10:14 AM.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #16
    Originally posted by prinsipe
    visit this pre, www.immigration.govt.nz

    29 points ang passing mark. nag assess ako....di ako pasado

    need to find an employer na mag sponsor sa akin para sure na pasado.
    pards hindi pa rin natin masasabi na sigurado ka makakaalis
    kung "sponsored visa" ang apply mo...kasi ganito yan

    ..the company will lodge an application for a sponsorship visa
    (dito naka declare yung person na binigyan nila ng sponsorship)
    afaik post pa nila yung position na ibibigay sa iyo ...
    if the said sponsorhip e na-aaprove ..dito ka palang
    makakapag-lodge ng application mo pero 99% sure na pasok
    ka na.....syempre may mga test pa yan like physical exam

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #17
    or kung desperado ka na talaga at gusto mo talagang
    makaalis....

    eto isang option

    try to apply for a STudent VISA....5 na yung pinoy student
    namin dito(AUS)..kung baga stepping stone lang yung
    student visa para makapasok sila sa AUS...anyway
    they can still work for a limited hours pa rin..kaya ok lang
    after a yr or 2...afaik pwede na silang mag apply for PR(Permanent Residency)...kasi yung isang kilala ko
    ganun ginawa nya..wag ka muna mamimili ng trabaho
    pagdating mo sa abroad..kahit anong
    trabaho pasukin mo basta legal ha..hehehhe

    yung isang kilala ko waiter lang trabaho nun pero
    napapagaral nya sarili nya + rent ng bahay+pang gimik

    sa pinas ba kaya mo ba suporthan sarili mo kung
    part time waiter ka lang?

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #18
    hmmmmmm interasado rin ako.
    paano kung tatlo kami
    me, wife, kid?

    o mas madali kung ako muna..

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #19
    Originally posted by ozcity
    or kung desperado ka na talaga at gusto mo talagang
    makaalis....

    eto isang option

    try to apply for a STudent VISA....5 na yung pinoy student
    namin dito(AUS)..kung baga stepping stone lang yung
    student visa para makapasok sila sa AUS...anyway
    they can still work for a limited hours pa rin..kaya ok lang
    after a yr or 2...afaik pwede na silang mag apply for PR(Permanent Residency)...kasi yung isang kilala ko
    ganun ginawa nya..wag ka muna mamimili ng trabaho
    pagdating mo sa abroad..kahit anong
    trabaho pasukin mo basta legal ha..hehehhe

    yung isang kilala ko waiter lang trabaho nun pero
    napapagaral nya sarili nya + rent ng bahay+pang gimik

    sa pinas ba kaya mo ba suporthan sarili mo kung
    part time waiter ka lang?

    kung student visa ba kailangan mo ng malaking funds? gnun kasi sa canada eh. ang laki dapat ng funds.

    mga magkano ba show money dito?

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #20
    Originally posted by kimpOy
    hmmmmmm interasado rin ako.
    paano kung tatlo kami
    me, wife, kid?

    o mas madali kung ako muna..
    pards pag sponsored VISA ang nakuha mo..damay ang pamilya
    mo(dependent) walang problema yun....pwede naman sila sumunod or kasabay mo umalis..

    pero kung PR medyo risky kasi nga maghahanap ka pa ng
    work mo unlike sa sponsored may trabaho ka na kagad

Page 1 of 2 12 LastLast
pano mag migrate sa new zealand?