boybi yung gf ko nagaalaga dati ng mga rabbits; guinea pigs na lang alaga namen ngayon kasi nangamatay na yung mga rabbits! Totoo nga na mabilis sila dumami, parang 2 months lang ata ang gestation period nila; pagkapanganak eh pwede na ulet magyarian! So I suggest na kung ayaw mong magka-rabbit farm sa house niyo eh paghiwalayin mo sila muna

Di ko lang sure kung pano nadedetermine ang *** ng rabbits, pero I think similar sila sa guineas. Anyways, pagnakita mong parang slit lang ang *** organ nung rabbit, female yun, tas pag pa-Y naman male yun (or the other way around?!?).
Usually pinapaliguan ng gf ko yung mga rabbits niya nun every 2 weeks. They get dirty easily lalo na sa mga pupu at wiwi nila. Ang wiwi nila ang mabantot, so I suggest na you get a wire cage na may tray para sa dumi nila, tas yung flooring is yung green na plastic mesh (yung butas-butas) para lumusot ang mga dumi nila. Maya't-maya nagdudumi ang mga yan, so dapat yung waste tray e i-line mo with old newspapers. Or if you have the time and resources, pwede kang gumawa ng open type na enclosure (yung parang sa small dogs, bukas yung bubong para madaling damputin), tas bili ka na rin ng bedding Yung bedding pwede yung mga wood shavings, or recycled paper. Ang hindi lang ata okay sa kanila na wood eh pine, may acidic properties ata yun or something. Tas lagyan mo na lang ng PVC pipe (basta kasya sila)para maging hutch nila. Mahilig kasi sila sa tunnels.
Food naman, usually ang pinapakain namen nun is yung pellets (Hagen yung brand) na nabibili sa Bio Research. Wag purely pellets ang pakain mo, dapat may veggies din like carrots tas fruits like apples. Ang alam ko bawal sa kanila na gulay is kangkong kasi nakaka-diarrhea yun sa kanila which is fatal to them. Tas supplement na lang with vitamins or supplements hehe. Oo nga pala, yung water pala nila eh mas maganda nakalagay sa water bottle. Check your suking petshop na lang.
Para rin silang aso, maamo din once they get adjusted with you. Tas ang cute ng mga babies hehe
HTH
