Sabi mg ilang government agencies, wala daw direct effect yung bagong VAT sa mga mahihirap dahil progressive tax daw yun. Maari nga na walang direct effect, may trickle down effect naman.
For example, according to my wife (during our chat this morning) eh yung ibang tindera daw sa palengke na kaibigan na namin eh nag-pasabi na sa kanya na mag-tataas sila ng prices dahil sa effects ng VAT. Marami kasi sa kanila, hinango yung paninida. So, babawin nila sa mga cosumers yung added na expenditures from fuel, toll fees, travel fees (kung airlifted or byaheng barko yung product) at , dun sa ilan, yung production cost. Not to mention, yung bawi nila sa mga added na singil sa kanila ng mga middlemen/brokers.
Kausap ko din yung best friend ko kagabi na doctor. Ang sabi nya, sila daw na mga specialist eh hindi maiiwasan na mag-taas ng fees (halos daw lahat). Kasi, papatungan daw sigurado ng VAT na mas mataas yung mga instruments na kukuhain nila. Sabi nga nya, hindi naman naman daw sila paniniwalaan na BIR at ni Parayno na less than 1.5M ang annual gross income nila. (Kasi, ang mga doctors at lawyers lang na kumukita ng 1.5+M annually and dapat mag-bayad ng VAT). So, ang stand nilang specialists eh damn if they do, damn if they don't. Kawawa daw yung mga less finiancially capable patients nila.
Therefore, ang tatamaan talaga eh yung mga mahihirap. Tsk, tsk. Naawa ako dun sa mga mahihirap na familes na napuntahan ko dyan sa 'Pinas. Yung piso na ginamos (bagoong), patis or toyo na bininibili nila pang tawid gutom eh sigurado na mas kaunti na ang "serving" or hindi na pwede sa pa-piso-piso.
Tapos, may rumors ako na nasagap na pati consultancy services binabalak ng lagyan ng VAT. Yari ako dyan pag nagkataon. Babawiin ko sigurado yan sa mga clients ko kahit, morally, ayaw ko.
Kayo, ano ang sa tingin nyong iba pang "trickle-down effects" ng VAT?


Reply With Quote