di naman siguro lahat.. marami ring guys na iba ang priorities.. like pag aralin ang mga kapatid.. makapundar nang bahay.. or yung mga nag aasawa nang maaga.. buhayin ang pamilya.. kesa bumili nang kotse..
2 years after college is too short to judge if a guy is a loser. ika nga eh, it is not how you start the game but how you finish it. pagdating nya siguro ng late 20's
+1. I didn't have a car until I had been working for almost five years. Granted, madali lang magkaroon ng kotse through financing, pero the cost doesn't stop there. May periodic maintenance pa yan, annual registration, compre insurance, periodic renewal ng driver's license, upgrades/mods...
Instant lang kasi ang gratification ng oto. Lagi akong nagpapantasyang makabili ng bagong kotse, but if I hit the lotto jackpot today, mas uunahin ko magpagawa ng bahay. The wheels can wait. (I'm actually more anxious to modify my folding mountain bike first than to get a new car)
Last edited by Bogeyman; September 14th, 2012 at 07:31 PM.
napansin ko.. yung mga nagmamadali magka kotse yung galing sa may kayang pamilya.. yung may mga kotse ang mga parents.. kasi nung bata sila nasanay na sila na may kotse sila.. mga hindi natutong mag commute.. parating hatid.. yung iba may driver pa.. kaya pag nagkaron nang work.. yun ang unang goal.. buy a car.. yung iba nga di pa nag wo work.. binibilhan na nang car nang parents..
pero kung galing ka sa di masyadong mayamang pamilya.. at wala kayong sasakyan nung lumalaki ka.. hindi mo to hahanapin.. sanay ka mag commute.. luho na nga yung taxi.. mas uunahin mo yung mas mahahalagang bagay.. kesa sa kotse.. or mas gugustuhin mo pang mag ipon na lang kesa bumili nang kotse.. maiisipan lang nilang bumili nang sasakyan pag may pamilya na sila.. lalo na pag may baby na..
ya kesa sa kotse... motor ang bibilhinpero kung galing ka sa di masyadong mayamang pamilya.. at wala kayong sasakyan nung lumalaki ka.. hindi mo to hahanapin.. sanay ka mag commute.. luho na nga yung taxi.. mas uunahin mo yung mas mahahalagang bagay.. kesa sa kotse..
ya mag ipon... bibili kasi ng iphoneor mas gugustuhin mo pang mag ipon na lang kesa bumili nang kotse..
agree on this. guilty also. the first chance i got, i bought my own car brand new. di ko kasi talaga nagustuhan magcommute esp. from farview to makati and back. after doing the math (operating cost only and no acquisition cost in the equation) i figured magkotse na lang ako. less hassle at may aircon pa. konti na lang naman ang dagdag eh.