Curious lang ako kung bakit or paano kayo nag decide na yun ang pangalan na ibibigay nyo sa baby nyo.
Eto naman ang possible names ng future babies ko:
Baby Girl/s: Teresa = Teresa Magbanua; First Woman Fighter in Panay. Visayan Joan of Arc. Gabriela = Maria Josefa Gabriela Silang; Continued the Fight After her Husband's Death (Diego Silang; Leader of the Ilocano Revolt) Marina = Marina Dizon; Daughter of One of the Trece Martirez (13 Martyrs from Cavite)
Baby boy/s: Emilio = Gen. Emilio Aguinaldo; President of the First Philippine Republic Diego = Diego Silang; Leader of the Ilocano Revolt Isabelo = Isabelo delos Reyes; Founder of Philippine Socialism
Gusto ko lang ma-maintain ang pagiging Filipino nila. Also a reminder of who they are and where they come from. Some Filipino that I know of who's living in the US have a baby named or naming their babies that sounds like a celebrity or trying to sound like ebonic. i.e. Jermaine, Devon, Keisha, Tasha, etc. Not that I have something against ebonic names, but IMHO that doesnt suit my future babies....
Taliwas sa inihayag ng ibang tao, marunong pa din akong tumingin sa aking pinanggalingan at alam ko kung cno at saan ako nagsimula...hehe.
parang ikaw.. maka filipino and makamandag heheh...
i always daydream about having a baby,isip na nga ko names eh.. basta pag boy ZACCHARIAS or ZECARIA... nickname nya ZAC... wala lang, kita ko yung name sa Bible... pero gusto ko first baby ko if ever man sana girl, kasi parang more responsible ang girl.
Last edited by pnay_fickle_minded; July 24th, 2003 at 05:00 AM.
Originally posted by kuroy Ikaw ba talaga yan karding???? May softside ka palang matindi ah.....
Ako lahat ng kids ko nagsisimula ang name sa S kasi kami ng wife ko S din and kapatid ko S din....hehehehe yun lang....
nyahaha, wala nga yata sa personality ko yan. sensitib din naman ako... hi hi hi hi hi :p
pero yan talaga ang gusto kong mga pangalan. sa pinas yata pinagtatawanan ang mga ganyang name, hehehehe. Maganda din kseng gamitin ng mga anak (magiging anak pala) kong lalaki yung pangalan lalo na sa panliligaw, hehe. Interesting name ika-nga, and magandang pagsimulan ng conversation. "why and where did your name come from" di ba?
Kami namang magkakapatid, letter A lahat nagsisimula. Pamilya ng tatay ko puro A din. Pamilya ng nanay ko, A naman ang last letter.
KODY= was reading baby names book sa national bookstore nakita ko name na "CODY" sabi ko kay misis gawin natin letter K
since Kim ako at Karen siya, tapos dinagdag na lang ang ANDREW
pero pinalitan ko yung W ng I hence naging Kody Andrei
my son's name is ivan josef. patterned lang sa pangalan naming mag-asawa which are both russians (to those who know me, my name is pure russian, tapos ganun din yung sa wife ko).
mahilig pala kayo sa dalawang pangalan. dito kse sa US, hindi na madadala ng bata yung name ng nanay kse yung second name ng bata, nagiging middle name na.
i.e.
Sa pinas:
Petot Juan Aliputpot Andres (aliputpot maiden name ng mother)
Sa US:
Petot Juan Andres na lang.
Kody, kakaiba. :cool: Yung nephew ko naman sa Pinas, Kevyn.
full name: Diego Luis G. dela Cruz
nickname: Luigi
two names ang ginamit namin dahil napaka-common ng surname ko...ayaw namin mahirapan sa immigration or sa mga clearances(NBI, police, etc.) si Luigi pagdating ng araw...kailangan medyo bagay din ang first name sa apelyido...noong una panay pambabae ang naisip namin...after ng ultra sound lalake pala kaya iyan ang binagsakan namin