sagutin ko lang ang ilan sa mga katanungan mo, sana ay malinawan ka:
-ang Toyota Corona ay local version ng crown?
hindi, ang Toyota Corona ay ang delivery vehicle ng Corona notebooks and papers
-pang mga royalty lang ba ang mga sasakyan na ito?
pwede din pang student dahil gumagamit sila ng Corona notebooks
-may built-in gps ba o may kasamang map ba ang pathfinder pag binili mo?
wala, ikaw mismo ang maghahanap ng tatahakin mo, kaya nga path finder
-nawawala ba ang pathfinder?
oo, kaya palagi mong hinahanap ang dadaanan mo.
-Palabati ba ang mga Hi-ace, hilander at hilux?
hindi, mga drug addict sila.
-magkakapatid ba ang kotse na hi-ace, lite ace at town-ace?
kaanu-ano kaya nila si ace vergel?
-pang tanod lang ba at pang pulis ang Nissan patrol?
pang mga pogi

;)
-ang official ba na sasakyan ni former president joseph ay strada?
maaari. favorite kasi ni erap ang mitsu strada. diba ang real name ni erap is Joseph Ejercito, nung naging artista sya, kelangan nya ng screen name. balak sana nya e Joseph E. pero hindi naman sya rapper, kaya dinugtong nya yung strada sa dulo, kaya naging Estrada.
-kanino ba talaga ang jeep na owner?
e di dun sa may ari.
-pareho ba ang odyssey at frontier?
and odyssey nagbebenta ng CDs, ang frontier nagbebenta ng mga firearms and ammos.
-Talaga bang may mga kasamang cd pag bumili ka ng odyssey?
pag binili mo ang Odyssey, madami ka ng CD.
-pag naligaw kayo sino ang mas gusto niyong sakyan, explorer o pathfinder?
pagnaligaw ako, babaliktarin ko damit ko.
- masasabi bang mga Japanese cars ang mitsu shogun at Suzuki samurai?
oo, pero bakit walang kasamang espada kapag bumili ka?