Napanuod ko sa Gma news kanina, sa general santos city airport daw nagsalita daw si john estrada habang sinasaga yung inspection sa mga bagahe nya, ang pabiro nyang sabi eh "Bakit nyo pa iniinspect yan eh wala namang bomba yan" , inimbitahan sya agad ng mga opisyal ng airport para maimbestigahan.
nung natapat sya sa camera ng gma, pabulong nyang sinabi na "bakit ano problema" then yung isang kuha sa kanya nag dirty finger pa sya sa tapat ng camera.
nasa gensan sya para suportahan campaign ni manny pacquiao, then and alibi ni john eh di daw nya alam na bawal magbiro ng tungkol sa bomba sa airport.
haay grabe... yabang naman nitong si john akala mo kung sino, 30 minutes lang sya nambistigahan, and pinakawalan kaagad dahil sabi ng opisyal ng airport eh kilalang tao naman daw si john at alam na talagang mapagbiro sya.... sus ginuo... ehang procedure daw dito eh ititurnover sya sa pulisya at may multang 40,000 pesos...
bakit ganun, pag artista or kilalang tao pwede gumawa ng ganun na magbiro tungkol sa bomba?
Naalala ko tuloy, few months ago..isang foreigner sa Maynila ba yun, ganun din ginawa nagbiro na may bomba sa loob ng bag niya, kaya yun dinakip saka inembestigahan tuloy. Ewan ko lang tong kay John E.
Yung ibang tao matagal pakawalan at sangkatutak na imbestigasyon ang kinakailangan para talagang malaman kung loko-loko talaga o hindi ito siryoso. Pero para sa kasong ito, sandali lang pinakawalan na kaagad, pero hindi dahil artista sya, kasi dahil hindi talaga sya siryoso.
^true. ang batas ay batas. wala dapat pumapangibabaw dito. kaya nga may systema dapat sundan ng tao.. dapat sa mga ganyan na tao, doon manirahan sa mga lugar na walang systema.