New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 21

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #1
    napansin ko ang hirap maghanap ng lyrics ng mga filipino folk songs sa web. nagkaroon ng homework ang anak ko at hirap na hirap ako mag-search. di naman ako makapunta sa bookstore kasi ang layo. sa 5 songs na home work nya isa lang ata alam ko ang lyrics.

    so guys, to make this thread educational and to serve as a future reference. may i request that you post here lyrics of pinoy folk songs you know (kundiman, lullabyes, novelty, kantang kalye, etc. basta pinoy). thanks.

    Ok lang ba mga mods?

    umpisahan ko na.

    SITSIRITSIT

    Sitsiritsit alibangbang
    Salaginto't salagubang
    Ang babae sa lansangan
    Kung gumiri'y parang tandang

    Mama mama namamangka
    Pasakayin yaring bata
    Pagdating sa Maynila
    Ipagpalit ng manika

    Sto. Nino sa Pandacan
    Putoseko sa tindahan
    Kung ayaw mong magpautang
    Uubusin ka ng langgam


  2. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    3,003
    #2
    BAHAY KUBO

    Bahay kubo kahit munti
    Ang halaman doon ay sari-sari
    Singkamas at talong
    Sigarilyas at mani
    Sitaw, bataw, patani

    Kundol, patola, upo't kalabasa
    At saka mayroon pang labanos, mustasa
    Sibuyas, kamatis, bawang at luya
    Sa paligid-ligid ay puno ng linga

  3. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    129
    #3
    Bahay ni Quezon

    Bahay ni Quezon
    Punong puno ng Litson
    Kaya pala punung puno
    Ibibigay sa Hapon

    Hapon napatapon
    Intsik napasiksik
    Amerikanong napatakbo
    Pilipino ang nanalo.....

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,153
    #4
    bulaklak

    ibubuka ang bulaklak isasara ang bulaklak
    darating ang reyna sasayaw ng cha cha
    bumtiyaya bumtiyaya yeh yeh boom

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    330
    #5

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #6
    keep them coming. heheh.

    *maginoong_kalog, bago sa kin yang Bahay ni Quezon ah. kiddie song ba yan?

  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    58
    #7
    MAGTANIM AY D BIRO.....

    magtanim ay d biro,
    maghapong nakayuko...

    yun lang alam ko eh,hehe

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #8
    Quote Originally Posted by bluntz
    MAGTANIM AY D BIRO.....

    magtanim ay d biro,
    maghapong nakayuko...

    yun lang alam ko eh,hehe

    magtanim ay d biro,
    maghapong nakayuko
    di man lang maka-upo
    di man lang maka-tayo.

    dugtungan nyo na rin.


    MANANG BIDAY
    Ilocano Folk Song

    Manang Biday, ilukatmo man
    'Ta bintana ikalumbabam
    Ta kitaem 'toy kinayawan
    Ay, matayakon no dinak kaasian

    Siasinnoka nga aglabaslabas
    Ditoy hardinko pagay-ayamak
    Ammom ngarud a balasangak
    Sabong ni lirio, di pay nagukrad

    Denggem, ading, ta bilinenka
    Ta inkanto 'diay sadi daya
    Agalakanto't bunga't mangga
    Ken lansones pay, adu a kita

    No nababa, dimo gaw-aten
    No nangato, dika sukdalen
    No naregreg, dika piduten
    Ngem labaslabasamto met laeng

    Daytoy paniok no maregregko
    Ti makapidut isublinanto
    Ta nagmarka iti naganko
    Nabordaan pay ti sinanpuso

    Alaem dayta kutsilio
    Ta abriem 'toy barukongko
    Tapno maipapasmo ti guram
    Kaniak ken sentimiento

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #9
    Atin Cu Pung Singsing
    (Kapampangan)

    Atin cu pung singsing
    Metung yang timpucan
    Amana que iti
    Quing indung ibatan
    Sancan queng sininup
    Queng metung a caban
    Mewala ya iti
    E cu camalayan.

    Ing sucal ning lub cu
    Susucdul king banua
    Picurus cung gamat
    Babo ning lamesa
    Ninu mang manaquit
    Quing singsing cung mana
    Calulung pusu cu
    Manginu ya caya.

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,153
    #10
    bahay namin maliit lamang pero pero pero malinis to pati sa kusina, nakatambay kmi sa eskinita, pen pen pen de sarapen de kutsilyo de amasen, pengeng singko pambili ng puto diyan sa tindahan ng bitso bitso,mahal ko si toyang dahil siyay simple lamang...

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819

  12. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #12
    Ang Pipit

    May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
    At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
    Dahil sa sakit di na nakaya pang lumipad
    At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigtas
    Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag
    Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #13
    Quote Originally Posted by mantoy View Post
    Ang Pipit

    May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
    At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
    Dahil sa sakit di na nakaya pang lumipad
    At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigtas
    Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag
    Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak
    any mp3 link....

    thanks in advance

  14. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #14
    BAKYA MO NENENG

    [SIZE=2]Bakya mo, Neneng, luma at kupas[/SIZE][SIZE=2] na [/SIZE]
    [SIZE=2]Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta[/SIZE][SIZE=2];[/SIZE]
    [SIZE=2]Sa alaala'y muling nagbalik pa[/SIZE]
    [SIZE=2]Ang dating kahapong tigib[/SIZE][SIZE=2] ng ligaya. [/SIZE]

    [SIZE=2]Ngunit, irog[/SIZE][SIZE=2] ko, bakit isang araw[/SIZE]
    [SIZE=2]Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?[/SIZE]
    [SIZE=2]Sa wari ko ba'y di mo kailangan[/SIZE]
    [SIZE=2]Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.[/SIZE]

    [SIZE=2]Ang aking pag-asa'y saglit[/SIZE][SIZE=2] na pumanaw[/SIZE]
    [SIZE=2]Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.[/SIZE]
    [SIZE=2]Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,[/SIZE]
    [SIZE=2]Huwag itapon, aking hirang[/SIZE][SIZE=2],[/SIZE]
    [SIZE=2]Ang aliw ko kailan man.[/SIZE]

  15. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    311
    #15
    O Maliwanag na Buwan

    O maliwanag na buwan
    Nakikiusap ako
    Ang aking minamahal
    Sana ay hanapin mo
    Tadhana ma'y magbiro
    Araw man ay magdaan
    Ang pag-ibig ko sa kanya
    Ay hindi maglalaho
    Hanggang sa kamatayan
    O, buwan sa liwanag mo
    Kami'y nagsumpaan ng irog ko
    "Giliw ko," ang sabi n'ya
    "Ang puso ko'y iyong-iyo."
    O, buwan pakiusap ko
    Saan man naroon ang irog ko
    Sya'y aking hinihintay
    Sabihin mo.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #16
    ito yata yung tagalog counterpart ng "O Naraniag A bulan" na ilukano song

    Quote Originally Posted by mayana View Post
    O Maliwanag na Buwan

    O maliwanag na buwan
    Nakikiusap ako
    Ang aking minamahal
    Sana ay hanapin mo
    Tadhana ma'y magbiro
    Araw man ay magdaan
    Ang pag-ibig ko sa kanya
    Ay hindi maglalaho
    Hanggang sa kamatayan
    O, buwan sa liwanag mo
    Kami'y nagsumpaan ng irog ko
    "Giliw ko," ang sabi n'ya
    "Ang puso ko'y iyong-iyo."
    O, buwan pakiusap ko
    Saan man naroon ang irog ko
    Sya'y aking hinihintay
    Sabihin mo.

  17. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #17
    Ang Dalagang Pilipina

    Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga
    Kung tanawin ay nakaliligaya
    May ningning na tangi at dakilang ganda
    Maging sa ugali, maging kumilos
    mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng
    ayos
    Malinis ang puso maging sa pag-irog
    may tibay at tining ng loob

    Bulaklak na tanging marilag, ang bango
    ay humahalimuyak
    Sa mundo'y dakilang panghiyas,
    pang-aliw sa pusong may hirap.
    Batis ng ligaya at galak, hantungan ng
    madlang pangarap.
    Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat
    sa isang tunay na pagsinta.

  18. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #18
    "LABADERA"

    Ako isang ginang,may problema sa labada
    Na di kasing linis ng laba ni mareng tekla
    Ngunit isang araw,nalaman ko ang sekreto niya
    Ang gamit niya TIDE pinakamabisang pang laba

    Ang aking pag-asa muli pang nabuhay
    Maruming labada nilabhan sa TIDE
    Damit ay mas lilinis at mas puputi pa
    At dina kailangan magkula araw-araw

    Kumare,masdan mo ang aking labada
    Damit ay sadyang napakalinis at napakaputi pa
    Dina kailangan magkuskos ng magkuskos
    Para matanggal ang mga mantsa at dumi

    Kaya ikaw kumare ang gamitin mo nagyon ay TIDE
    Ang pinaka mabisang sabong panglaba... fade





    Yung kantang " LUMANG SIMBAHAN " eh sa tagal di kuna maalala ang lyric nabura na...

  19. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #19
    Sinisinta Kita

    Kung ang sinta'y ulilain
    Sino pa kaya'ng tatawagin
    Kung hindi si Neneng kong giliw
    Naku kay layo sa piling.

    Malayo man, malapit din
    Pilit ko ring mararating
    'Wag lamang masabi mong
    Di kita ginigiliw.

    Ginigiliw kitang tunay
    Alaala sa gabi't araw
    Pag di ka natatanaw
    Puso ko'y nalulumbay

    Sinisinta kita, di ka kumikibo
    Akala mo yata ako'y nagbibiro
    Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro
    Kundi kita mahal, puputok ang puso.

    Sinisinta kita, di ka kumikibo..
    Sinisinta kita.

  20. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    460
    #20
    Pwede ba to?

    akoy nag-iisa
    at walang kasama
    di ko makita
    ang aking pag-asa

    ang himig natin
    ang inyong awitin
    upang tayoy
    magsama-sama
    sa langit ng pag-asa

    akoy may kaibigan
    at siyay nahihirapan
    handa na ba kayong lahat
    upang siyay tulungan

    ang himig natin
    ang inyong awitin
    ang himig natin
    inyong awitin
    Last edited by Psalm136:2; September 29th, 2005 at 10:28 AM.

The Pinoy Folk Song Thread