napansin ko ang hirap maghanap ng lyrics ng mga filipino folk songs sa web. nagkaroon ng homework ang anak ko at hirap na hirap ako mag-search. di naman ako makapunta sa bookstore kasi ang layo. sa 5 songs na home work nya isa lang ata alam ko ang lyrics.
so guys, to make this thread educational and to serve as a future reference. may i request that you post here lyrics of pinoy folk songs you know (kundiman, lullabyes, novelty, kantang kalye, etc. basta pinoy). thanks.
Ok lang ba mga mods?
umpisahan ko na.
SITSIRITSIT
Sitsiritsit alibangbang
Salaginto't salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang
Mama mama namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika
Sto. Nino sa Pandacan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
![]()




Reply With Quote

