NAPA-'RUMBLE' agad ang mga sikat na professional wrestlers ng World Wrestling Entertainment (WWE)sa mga reporter na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.
Ang dahilan ay ang sobra umanong kabastusan at kagaspangan ng ugali ng mga wrestler na hindi naman pinalampas ng mga reporter.
Ang 19 na professional foreign wrestlers ay dumating sa NAIA Centennial Terminal 2 dakong alas-4:30 ng madaling araw lulan ng Phiilppine Airlines flight PR-103 mula sa Los Angeles, Ca-lifornia.
Dalawang araw na mananatili sa bansa ang mga wrestlers ng United States World Wrestling Entertainment (WWE) para sa kanilang pagtatanghal sa Araneta Coliseum na pinamagatang "Raw Live Tour".
Kabilang sa mga wrestlers na dumating sa bansa ay sina John Cena, Edge, Triple H., Mick Foley, Trish Stratus, Torrie Wilson, Big Show, Shelton Benjamin, Ric Flair, Tyson Tomko, Carlito, Val Venis, Chris Masters, Snitsky, Ashley Massaro, Viscera, Chavo Guerrero, Lita at RVD.
Nagpakita umano ng kabastusan ang mga wrestler sa mga reporter mula sa print, radio at television na nagtiyagang nag-cover sa pagdating ng mga wrestler.
Ikinagalit umano ng WWE wrestlers ang paglapit sa kanila ng ilang peryodista para kumuha ng konting pahayag sa kanilang pagdating, kabilang na si Raul Esperas ng DWIZ/stringer ng ABS-CBN at NAIA based photo-journalist sa pagkakaroon ng mainitang pagtatalo.
"Hindi sila dapat magalit at umakto ng pangit na ugali dahilan sa wala naman sila sa Amerika at nasa Pilipinas na sila. Alam naman ng lahat na sikat saan mang panig ng mundo ang mga wrestler ay normal lang na kumuha kami ng konting reaksiyon sa kanilang pagdating sa bansa bilang bahagi ng aming trabaho," ani Esperas.
Hindi rin umano organisado ang pakikipag-ugnayan ng nagsisilbing organizer ng pagdating ng mga wrestler mula sa Araneta Center entertainment group na umano'y nakikialam sa trabaho ng mga taga-media.
Bagama't nagkaroon ng konting aberya sa coverage, maayos namang naisaayos ng airport security at ilang opisyales ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang paglabas sa arrival area ng mga bisitang WWE wrestlers
============================================
Baka naman scripted lang yan.....ganyan din ginawa nila sa Singapore noon. Sa airport pa lang sila, nagpasikat na sila.Tawag pansin, kumbaga......




Tawag pansin, kumbaga......
