Sumainyo ang ang ganda ng dapit hapon, bagamat itoy makulimlim ay hatid nito ang tunay na kahulugan ng
pakikipagtulungan sa inyong kapwa... Mga ginigiliw kong mga KakanTsikot, Ako po ay nag mamay ari ng
isang Crosswind Sportivo modelong 2008, Kung maari po sana ako'y manguutang ng loob sa inyo mga kakanTsikot... Ano po magandang gawin ko sa akin gulong gusto ko po sanang palitan at mag palaki ng kaunting RIM, ano kailangan ko po sukat? Ganun din po sa gulong kailangan ko din po palitan ang 5 ko gulong... paki bigay naman po ng suwestyon ninyo... Ako po'y nagpapasalamat sa inyung ginintuang puso sa inyo pag tulong mga KakanTsikot ko... isa pa ho pala saan ako pwede bumili nito, ito ay unang karanasan ko sa aking habang buhay, salamat po.
cabalen kakantsi, may nakasubok na ng malaking rims pero, saaking pagbabalik tanaw (kung ako'y di nagkakamali), kasukat pa rin ng mga gulong ang normal na diametro ng pang isportibo. kung aking ilalagay sa simpleng wika, malaking rim(?) ngunit maninipis na mga gulong. maporma nga raw ngunit matagtag.
parang hindi ata maaaring malakihan sapagkat makakaskas ang gulong sa tinatawag nilang "wheel well".
sana may makarinig sa inyong katanungan at ipagpaumanhin ninyo ang mumunti kong tugon.
magandang araw sayo!
yeah dude, when upgrading shoes for yah ride, just buy bigger rims yo, with thinner tires yeah, yah should also take consideration them wideness of them wheels and rubbers yo, so when turning to maximum radius, them shoes won't rub against them wheel wells, ayt? peace!