Detroit, Michigan (AP) --- Nakakandado sa labanan para sa market share ang automakers dito at sinasabing dalawang brands -- Mitsubishi at Isuzu -- ang nangungunang kandidato para sa pagsasara.
"Right now, they’re sort of alone on a peninsula that’s getting smaller," sambit ni David Cole, chairman ng Center for Automotive Research sa Ann Arbor, Michigan.
Sa buong buwan ng Hulyo, ang Mitsubishi ay nakapagkontrol lang ng 0.7 percent sa US light vehicle market, ayon sa Autodata Inc. Iyon ay isang 32.6 percent reduction buhat sa lebelo ng kaginhawahan matapos ang unang pitong buwan ng 2004.
At ang Isuzu, isang makulay na player sa paboritong segment ng America na SUV’s, ay halos hindi na makita sa radar. Ang 0.1 percent share nito sa market ay kumatawan ng isang 51.3 percent decline buhat noong isang taon.
Ang mga data na ito ay halos kabaliktaran para sa Japan-based automaker. Noong 2004, ang kanilang share sa US car market ay lumago sa 39 percent -- tumaas buhat sa 37 percent noong 2003. Ang kanilang share sa light truck market ay umakyat din ng two percentage points, sa 24 percent.
"The issue going forward in the passenger car market will be working for growth in the luxury segment," pahayag ni John Caseca sa isang report.
Ang Mitsubishi ay nasa gitna ng isang 24-month rollout na kakikitaan ng pagpapakilala ng anim na bago o reengineered vehicles na dinesenyo upang maistablisa ang sporty at fun brand. Ang Eclipse ay unang inilabas noong Mayo, at ang Raider -- isang compact sport/utility truck -- ay nakatakdang dumating sa showroom sa susunod na buwan.




Reply With Quote

