Yung kakilala ko na naka Isuzu lumubog sa baha yung sasakyan niya.Buong sasakyan lubog sa baha.
Saan ba pwede ipaayos yun besides casa?
Pwede pa kaya sa insurance yun?
Thanks.
Yung kakilala ko na naka Isuzu lumubog sa baha yung sasakyan niya.Buong sasakyan lubog sa baha.
Saan ba pwede ipaayos yun besides casa?
Pwede pa kaya sa insurance yun?
Thanks.
Sir hindi ako sure kung kasama sa insurance coverage yung Acts of God like floods, earthquakes and the like. Check nyo po muna sa insurance, kung kasama edi swerte, pero mostly mga insurance sa Pinas hindi covered yung nangyari kahapon.
Sir dito na daw po lahat yung concerns like yours:
http://tsikot.yehey.com/forums/showt...95#post1328395
malamang nyan sangkatutak na putik ang tatangalin dyan tapos palit lahat ng fluids and much better kung overhaul na rin para sigurado.
malamang kasi pinasok ng putik engine internals nyan![]()
Yun dito pala tong topic na to. hehe
Hope everyone is ok after the flood.
mabuti nga tanong nila ung type of coverage ng insurance na kinuha nila. Kasi kapag basic insurance ung typical na pang bunggo lang ata and carnap.
for AOG scenarios, lam ko di talaga kasama. if there is siguro meron additional pang payment for it. parang add-on lang. kung baga samin tawag namin doon Complete Care warranty. Kaso sa mga PCs lang mostly notebooks/portables
huhuh sadly isa sa mga nadamay ang isuzu namin...
napasukan ng tubig sa loob, ngayon basa ang carpet and my concern is baka simulan na to ng rust/madamay mga electrical o wires sa ilalim ng carpet. sa sat dalhin namin ito sa casa para macheck...
planning to get jackstands for our 2 cars para maiwasan uling malubog sila sa baha, mga magkano ba ito and saan mura bumili? thanks!
from your photo showing hte front grill, buhay pa yan. yung xto ko napasugod sa baha, lubog yung plaka, halos inabot na yata yung headlights, and it still lives. nadale lang yung starter w/c I had to replace with a new one coz halos ganun din gastos if I had the coils rewound.
Mataas din yung air filter intake natin, the whole hood has to be submerged bago pasukin ng tubig. check mo muna engine oil kung walang tubig. best bet if you change oil using cheap oil lang muna. check mo na agad kung may tubig. kung wala, ayos pa yan. just change oil/filters, then kick start mo engine, better yet pilitin mo iikot yung crankshaft pulley using a boxwrench. para lang ma check na hindi nag seize or na stuck up yung mga pistons.
pag naikot mo by hand yung crankshaft, ayos pa. so pwede mo na start.
pero kung ayaw at lalo na kung may tubig na sa loob ng makina, wag mo na start, baka mabali lang piston rods or masira ang mga pistons. pabatak mo na lang sa suki mong kasa or diesel auto shop. caesarian section na yan pre, total overhaul.
The isuzu engine is one tough cookie bro, may nakita pa nga ako isuzu fuego na sumugod sa baha, lubog halos buong gulong, nung medyo malalim na, tumigil sya, kala ko tumirik na pero nagbacking pala at naka change directions pa.
Last edited by rsnald; October 5th, 2009 at 11:39 AM.
hello fellow tsikoters....
share naman how much nagastos niyo sa palinis ng carpet, electrical parts repair etc.... yung mga nalubos sa tubig na vehicles. and saan shop kayo nagpaayos.
ride ko XTO so far it cost me almost 10k. umabot sa ilalim ng upuan ang tubig noong bagyon undoy.
bumigay na rin power lock ko. saan kaya magpagawa? and how much?
Thanks
Hello,all
I am a new member here.I am a sales of shoes&clothes(sell so many famous brand shoes&clothes at a low price,u can add msn nicole*hotmail.com ,if you are interested you can link http://www.trade9shoes.com/)
Thanks in advance!
^ if you're a noob you should read the rules first. respect the thread please.