New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 107

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    48
    #1
    Mahal kong mga KakanTSIKOT!!!!

    "Mga ginigiliw ko mga KakanTsikot, kung kayo po ay naghahanap ng inyong makkasama sa inyong buhay bilang magmamahal sa inyo at maghahatid na kung saan man ang nais dito na po tayo sa Crosswind Isuzu!!! Ang inyong abang lingkod ay kakabili lamang ng isang Sportivo na pinangalanan kong "Ivoh" sa totoo lng po anong ginhawa sa paglalakbay kapag itong Sportivo ko ang kasama sa paglalakbay at ito po;y ubod ng tipid sa krudo!!" Sa amin kumpanya rito halos sabay sabay po kami kumuha ng Crosswind bawat uwi umpisa pa po nuong 2007.

    Mga KakanTsikot baka naman po ako'y inyong puedeng matulungan sa aking sasakyan ire, sukat po at alam ko na marami po sa inyong kinauukulan o mga KakanTsikot na makaranasan diyan na, at sa inyong karanasan sa Isuzu eh baka meron po kayo puedeng ma ilathala, at idugtong sa aking inilahad sa ngayun. Marami na po nabasa at nalathala sa mga nakaraan nasulat, bakit nga po hindi natin isulat rine ang hiwalay na paglathala sa maganda at di mahusay na dinulot ng ating mga sasakyan pang lupa ISUZU. Puro lng po at makatutuhanan.

    Sa akin paguwi sa Inang bayan ako po ay dudulog sa mga samahan ng Isuzu, at ng sila po ay makaulayaw.

    Maraming Salamat po!!! Mabuhay po kayo mga KakanTsikot!!!

  2. #2
    true! one of the most reliable and most easy to maintain vehicles ang sportivo.. lalo n yung MT..

    if people are more of practical, eto talaga para sa kanila.. kahit anung klase n diesel uubra dyan, kahit ssang probinsya mo dalhin ok na ok..wag lang sa maputik, at siguradong balaho yan.. walng 4wd version..

    kung may 4jb1 at 4wd ok na ok.. so lets petition nalng to make that happend para talagang go anywhere na siya...

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #3
    cabalen, meydo nalilito ako sayo :D kala ko ilocano kay pero ala ey parang batangueño ang punto mo ah. hehehe. baka preho pala tayo? half ilocano/half laguneño?

    anyway, tama ka, super tipid ng crosswind. yung sakin, 01' xto, hanggang ngayon matipid pa rin, after running more than 194,000km, yep, almost 200,000 km na and still doing 12.56km/liter lifetime average (yung gusto mag contest ng figure ko, i can back it up with hard data, i've kept logs since day 1... pre-emptive strike lang aheheheh ilang beses nako na kwestyon eh)

    to always_yummy,
    tinesting ko minsan yung offroad capability ng stock xto. i went thru that mountain pass thru san mateo-- yung dirt road coming from antipolo cogeo, traversing to san mateo rizal, then labas ng marikina. nakalusot naman ako sa putikan, although i perhaps should count myself lucky dahil downhill yung dirtroad kaya siguro di ako nabalahaw. pero kinabahan talga ako ng todo while i was going thru the dirt road ahehehe, puro second gear and sometimes 1st gear para max torque palagi and tuloy tuloy andar, wala masyado preno. awa ng Diyos, nakalusot ako :D turns out the ground clearance of the stock xto is good enough for soft-core offroading, and even if 2wd lang sya, kaya din, basta siguro walang mabigat na load. lakas ng loob lang dahil solo flight ko ginawa yun hehehe. imagine pa kung 4wd ang crosswind... I think even with the 4JA1 engine, provided it is properly turbo-boosted, it would be a decent off-roader.

  4. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    55
    #4
    Quote Originally Posted by rsnald View Post
    cabalen, meydo nalilito ako sayo :D kala ko ilocano kay pero ala ey parang batangueño ang punto mo ah. hehehe. baka preho pala tayo? half ilocano/half laguneño?

    anyway, tama ka, super tipid ng crosswind. yung sakin, 01' xto, hanggang ngayon matipid pa rin, after running more than 194,000km, yep, almost 200,000 km na and still doing 12.56km/liter lifetime average (yung gusto mag contest ng figure ko, i can back it up with hard data, i've kept logs since day 1... pre-emptive strike lang aheheheh ilang beses nako na kwestyon eh)
    Hi, I need data for the automatic version of crosswind. What is its fuel perfomance? I heard some say 8km/liter.. some say 10km/liter.. what have you actually witnessed in your friends automatic version? Thanks.

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #5

  6. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #6
    Basta Isuzu, Matibay at maaasahan! Matipid pa sa krudo.

    Practically, Crosswind ang pinaka magandang AUV ngayon. Wala nga lang syang safety features tulad ng Innova pero subok na ang makina.

    Intercooler nalang kulang ng Crosswind. Pero siguradong mamahal nanaman ang presyo nyan. Wala kasing 4WD at malakas na makina para sa off road.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #7
    lalo na pag CRDi na ang Crosswind

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #8
    Quote Originally Posted by niker View Post
    Hi, I need data for the automatic version of crosswind. What is its fuel perfomance? I heard some say 8km/liter.. some say 10km/liter.. what have you actually witnessed in your friends automatic version? Thanks.
    si niky and 20vanda, alam ko naka matic na XUV sila. they can better share with you their fuel mileage data. yung isang boss ko dati na naka XUV matic, sabi nya 7-10km/l nga lang daw ang kaya ng matic na xuv, kaya he gave it up coz it was too slow and too noisy for his taste. he's now driving an alterra. the matic xto w/c only came out nung 2001 and 2002 yata had better mileage, mainly because of smaller tires and I guess, lower overall body weight.

  9. #9
    current 4JA1 of the sportivo "greatest add-on" is the LPT (light pressure turbo) thats why its engine code becomes 4JA1-L..

    ibang-iba to sa 4JA1-T, which has a real turbo engine..

    pero may nadinig na ba kayong nagkaproblema highlander nila kasi sa quality ng diesel lalo na sa liblib na probinsya--na kalimitang may halong tubig pa!

    kaya ko, 4JB1-T + part-time 4wd = greater machine!

    kahit yung XUV variant lang nila lagyan ng option na to, anytime i'm willing to trade those leather seats, AV-systems, chromes for these system to minimize cost...

    but i will not opt for 4JG1-TC or 4JJ1 crdi... magiging limited ang mapupuntahan nito.. kasi nga sa romote provinces the cleanest diesel you can find may be tainted with water. dumi..

    kaya 4JB1 or better 4JG2 + 4wd

    one of the reasons why i really like the delica spacegear 4wd --has a realible engine (4M40), 4wd and space to boot
    Last edited by alwayz_yummy; April 27th, 2008 at 09:37 AM.

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    48
    #10
    Quote Originally Posted by niker View Post
    Hi, I need data for the automatic version of crosswind. What is its fuel perfomance? I heard some say 8km/liter.. some say 10km/liter.. what have you actually witnessed in your friends automatic version? Thanks.
    Hayaan nyo po akong pasalamatan ko po kayong lahat na aking mga KakanTsikot at kayo po ay dumulog sa aking mga bulong.

    Mga ginigiliw kong mga KakanTsikot ang inyong abang lingkod ay meztiso Hating capampangan at hating Bulacueno, huwag po kayong magkakamali!!!

    Ang sa aking SPORTIVO po ay AT din ho muli ho akin nabangit na ako po'y lubos na naliligayahan at sa akin pagsakay sa sasakyang ire ay ubod ho ang aking pagkagalak sa kapanatagan ng paglalakbay di lang ho sa aking bulsa ganun din sa aking pamilya dahil sila ay laging naka ngiti sa kasiyan sa mga kadahilanang walang tagtag, nakakapanuod pa sila ng penikula sa may likuran, maluwag at presko ang pakiramdam dahil hangang likod eh may pasingawan ng pampareskong aircon.

    Aba'y totoo at sapat na itong SPORTIVO ay hindi kasing lakas ng SUV ngunit sa mga ginigiliw kong mga KakanTsikot!!! eto po'y ubod ng lakas naman, sa kadahilanan na rin ng TURBO nire. At ganun din ho sa kunsumo ng kurudo ako po'y saludo sa M/T sa kadahilanang medyo matipid talaga ire sa A/T ko ngunit, datapwa't, subalit! ang mga katangihan na ire ang inyong titignan sa panlabas at presensya ng kagwupuhan ay kayo na po ang humusga.
    Eto pa po ang isa ireng SPORTIVO ko eh walang mga abante de siensya na halintulad na lamang ng ilaw marka para sa mga pintong bukas o hindi sapat na pagkakasara kung hindi lamang ang mga ilaw sa gilid ng mga pintuan niya, ganun din po ang tinatawag nilang "AIRBAG" iyan nga lang ho ang naging pagkukulang nireng sasakyan ko na ire, ngunit sa ating mga KakanTsikot akin lng po na maipapayo ang ibayung pagiingat sa ating pagmamaneho me "AIRBAG" man yan o wala ibayung pagiingat ho ang kailangan natin!!!

    Patnubayan po kayo ng mahal na Puong may kapal!! Mabuhay po kayo!!!

  11. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    26
    #11
    nakakatuwa ka naman bossing! makata ka sa iyong pagsasalita!

  12. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    1,636
    #12
    betkap: dumugo naman ilong ko sa pagbasa ng mga posts mo batangueno ka ire?

    wattoe: tama ka makata talaga mag salita si sir betkap

    AY: about that 4x4 croswind, i dont think that will happen. unless if cw is categorized in the SUV division. CW is an AUV. meron bang 4x4 naa auv? para ala ata?

    saka lang susuko ang crosswind sa putik noon nga meh pinuntahan kami na maputik. ka convoy namin ang cw ng tito ng dad ko. eh di na kinaya ng cw hinila nalang namin ang downside lang ng isuzu eh ang alterra namimili DAW ng fuel. i heard the alterra's engine need an upgrade. buti naman na remedyuhan ng isuzu. at sana sa mga next shippings ng alterra eh di na sya fuel quality sensitive...

  13. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #13
    Well.. they're not indestructible. I had to have a head-job done on my Hilander at 140,000 kms because one of the valves came out of alignment.

    But my two other ponies... an XTO with over 110,000 kms and an XUV at 148,000 kms are both going strong. Having some electrical issues and I've got blown shocks on the XUV, but those are minor niggles.

    Ang pagbalik ng comeback...

  14. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    361
    #14
    Sa bagay... madami naman ding may crosswind sa kalsada. Hehe! Parang yung L300 dati... hanggang ngayon rumarampa pa!

  15. #15
    mas luma naman na di hamak yung L300 na tinutukoy mo... 1983 pa sa japan una lumabas yun! at parang dito nalang may ganung model na mabibili mong brand new.

    ang hilander mga 1992-94, crosswind series, 1994-present..

  16. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    361
    #16
    Quote Originally Posted by alwayz_yummy View Post
    mas luma naman na di hamak yung L300 na tinutukoy mo... 1983 pa sa japan una lumabas yun! at parang dito nalang may ganung model na mabibili mong brand new.

    ang hilander mga 1992-94, crosswind series, 1994-present..
    Yeah i know. Pero i seldom see L300 pollutants on the road than the crosswind.

  17. #17
    e kasi po may gas variant noh..

DIESEL vehicle ba hanap?? ISUZU ka na!!!