Yung kakilala ko na naka Isuzu lumubog sa baha yung sasakyan niya.Buong sasakyan lubog sa baha.
Saan ba pwede ipaayos yun besides casa?
Pwede pa kaya sa insurance yun?
Thanks.
Yung kakilala ko na naka Isuzu lumubog sa baha yung sasakyan niya.Buong sasakyan lubog sa baha.
Saan ba pwede ipaayos yun besides casa?
Pwede pa kaya sa insurance yun?
Thanks.
Sir hindi ako sure kung kasama sa insurance coverage yung Acts of God like floods, earthquakes and the like. Check nyo po muna sa insurance, kung kasama edi swerte, pero mostly mga insurance sa Pinas hindi covered yung nangyari kahapon.
Sir dito na daw po lahat yung concerns like yours:
http://tsikot.yehey.com/forums/showt...95#post1328395
malamang nyan sangkatutak na putik ang tatangalin dyan tapos palit lahat ng fluids and much better kung overhaul na rin para sigurado.
malamang kasi pinasok ng putik engine internals nyan![]()
Yun dito pala tong topic na to. hehe
Hope everyone is ok after the flood.
mabuti nga tanong nila ung type of coverage ng insurance na kinuha nila. Kasi kapag basic insurance ung typical na pang bunggo lang ata and carnap.
for AOG scenarios, lam ko di talaga kasama. if there is siguro meron additional pang payment for it. parang add-on lang. kung baga samin tawag namin doon Complete Care warranty. Kaso sa mga PCs lang mostly notebooks/portables
huhuh sadly isa sa mga nadamay ang isuzu namin...
napasukan ng tubig sa loob, ngayon basa ang carpet and my concern is baka simulan na to ng rust/madamay mga electrical o wires sa ilalim ng carpet. sa sat dalhin namin ito sa casa para macheck...
planning to get jackstands for our 2 cars para maiwasan uling malubog sila sa baha, mga magkano ba ito and saan mura bumili? thanks!
from your photo showing hte front grill, buhay pa yan. yung xto ko napasugod sa baha, lubog yung plaka, halos inabot na yata yung headlights, and it still lives. nadale lang yung starter w/c I had to replace with a new one coz halos ganun din gastos if I had the coils rewound.
Mataas din yung air filter intake natin, the whole hood has to be submerged bago pasukin ng tubig. check mo muna engine oil kung walang tubig. best bet if you change oil using cheap oil lang muna. check mo na agad kung may tubig. kung wala, ayos pa yan. just change oil/filters, then kick start mo engine, better yet pilitin mo iikot yung crankshaft pulley using a boxwrench. para lang ma check na hindi nag seize or na stuck up yung mga pistons.
pag naikot mo by hand yung crankshaft, ayos pa. so pwede mo na start.
pero kung ayaw at lalo na kung may tubig na sa loob ng makina, wag mo na start, baka mabali lang piston rods or masira ang mga pistons. pabatak mo na lang sa suki mong kasa or diesel auto shop. caesarian section na yan pre, total overhaul.
The isuzu engine is one tough cookie bro, may nakita pa nga ako isuzu fuego na sumugod sa baha, lubog halos buong gulong, nung medyo malalim na, tumigil sya, kala ko tumirik na pero nagbacking pala at naka change directions pa.
Last edited by rsnald; October 5th, 2009 at 11:39 AM.
actually buhay pa sha, nung gabi nung 26th napaandar ko agad yung makina (without knowing na maraming ichecheck bago istart ehehhe) pero may squealing sound that went away a few mins after. checked oil sa dipstick wala naman bakas ng tubig. nabyahe pa nga namin to isuzu pasig last sat (i'm from pasay btw) dun kse nakuha yung unit, pero pila talaga sa mga casa ngayon. napasok yung loob nya at nabasa lang yung carpet. worried kme at baka simulan na ng rust and may madamay na mga electricals eh. madali lang ba alisin yun pati mga upuan? we tried it on our alto and it took me and my dad a whole day to remove/reinstall the seats and the carpet ehehehe.
anyways, i hear this faint thugthug sound when the engine is running, kahit warm na yung makina. ano kaya yun?
afaik, wala naman yatang electrical wirings na nakatago sa ilalim ng carpet. si master x-wind sanay yung magkalas ng carpet and seats ng crosswind. medyo pahirapan nga kase ang lalaki ng bolts nung upuan. nung nagtanggal ako nung seats sa likuran, pinagpawisan ako ng isang balde :D, eh yung dalwang side facing benches pa lang yun.
yung squealing sound, malamang fan belts lang yun. yung "thugthug", uhmm..di ko alampero kung ako ikaw, palit mo agad oil and oil filters. padiskartehan mo nalang sa carwash station yung interior. siguro mga 2thou pasok na yan. yung kaibigan ko, sedan pinalinis lahat ng carpet and seats ng kotse nya, 1600 sama na engine wash.
wag mo na ipasok sa casa, baka mataga lang kayo. basta change oil na lang and filters.
maswerte pa yan sir yung kapit bahay namin totally lubog ung crosswind nila hanggang manibela.. Buti umandar naman yung oto nila pagkatapos ayusin
if you want to make sure then pati fuel filter, pero iilaw naman yung dashboard warning kung may tubig na yung fuel mo. i-flush mo lang yung water trap sa engine bay, yung puting parang plastic na cylinder na may pump sa ibabaw, loosen mo yung bleed valve sa ilalim tapos, push mo yung pump sa ibabaw para ma flush out tubig kung meron man.
better pa siguro kung ang gawin mo is magparepack ka ng front wheel bearings and change transmission oil. nalubog kasi lampas sa wheel nuts so baka pinasok ng tubig bearings.
hth
If your talking about the Clips for the side wall covers ng mga pintuan (di ko alam tawag doon eh hehe), it costs around 35-39 petots sa CARTRUCK House sa my SM Fairview while i was canvassing for a roof rack. pero tingin ko medyo mahal nga un but bumili pa din ako dalawa since 2 lang ang kelangan ko.
But, I think you can get them cheaper on Local Auto Supplies.![]()
Waa grabe yung sportivo namin hangang headlight. ayun may aquarium tuloy haha. san ba pwede ipalinis yun. pati alarm system kelangan palitan. hay.